BREAKING NEWS: 72-HOUR TRO SA SUSPENSION ORDER KAY CAPALONGA MAYOR SENANDRO JALGALADO PINALAWIG NG 17- ARAW NG KORTE

BREAKING NEWS 72 HOUR TRO

DAET, Camarines Norte (April 9, 2019) | Muling naunsyami si Gov. Edgardo Tallado at ang Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pagpapatupad ng

anim (6) na buwan suspension order laban kay Capalonga Mayor Senandro Jalgalado, ito ay matapos palawigin ng 17 – araw ang 72-hour Temporary Restraining Order (TRO) na ipinalabas ng RTC Branch 38 noong April 5, 2019 batay sa ipinalabas na Order kahapon ng RTC Branch 41.

Matatandaan na ang Sangguniang Panlalawigan ay nagpatuloy sa kanilang pag-iimbistiga sa kasong administratibo laban kay Mayor Jalgalado sa kabila ng Election Ban na nag-umpisa noong February 12, 2019, subalit sa kabila nito ay nagpalabas pa rin ng desisyon sa nasabing kaso noong March 15, 2019 ang Sangguniang Panlalawigan.

Ang naturang aksyon ng Sangguniang Panlalawigan ay lumalabag sa Section 62 (c) ng Local Government Code. Ang nabanggit na section ay nagbabawal sa imbistigasyon sa mga local officials 90 araw bago ang halalan.

READ: (Screenshot photo of the two (2) pages RTC BR 41 Order)

TRO Mayor Jalgalado suspension 1

TRO Mayor Jalgalado suspension 2

Samantala, ang pagdinig sa motion for Preliminary Injunction na inihain ng kampo ni Mayor Senandro Jalgalado sa pamamagitan ng Abogado nito na si Atty. Archimedes Yanto ay itinakda ng korte sa April 23, 2019. (TheFENIXFiles)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s