BREAKING NEWS | Certificate of Candidacy (COC) ni Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado kinansela ng Comelec

COC TAE Cancelled 4

DAET, Camarines Norte (April 1, 2019) | Tuluyan ng kinansela ng Comelec First Division ang Certificate of Candidacy ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado batay sa desisyon na inilabas ng kagawaran Marso 29, 2019.

Ayon sa walong (8) pahinang resolution ng Comelec First Division na nilagdaan nina Presiding Commissioner Al A. Parreño, Commissioner Ma. Rowena Amelia V. Guanzon at Commissioner Marlon S. Casquejo ay wala namang nakitang Permanent Vacancy sa tanggapan ng Gobernador na naging epekto ng mga suspension at dismissal order laban kay Tallado na maaring katanggap-tanggap sa mga batas na umiiral partikular sa itinatadhana ng Section 44 ng Local Government Code. Kaya’t ayon sa desisyon ng Comelec ay “NO BREAK IN RESPONDENT’S TERM” o walang naganap na pagkaputol sa Termino ng respondent na si Tallado bilang Gobernador na nangangailangan ng succession ng Vice Governor para sa nalalabi pa nitong termino.

Malinaw, ayon sa Comelec na ang suspension at removal from office ay hindi umano maikokonsidera na involuntary interruption sa panunungkulan ni Tallado, narito ang dispositibong bahagi ng desisyon ng Comelec:

          WHEREFORE, premises considered, the Petitions are hereby GRANTED. The Certificate of Candidacy filed by Respondent EDGARDO A. TALLADO is CANCELLED.

          SO ORDERED.

READ SCREENSHOT COPY OF COMELEC RESOLUTION page 1 & 8:

 

FB_IMG_1554158615126

FB_IMG_1554158623025

Magugunita na sinampahan si Gob. Tallado ng Petition to Deny Due Course and/or Cancellation of Certificate of Candidacy ni Norberto B. Villamin at Petition for Disqualification na isinampa naman ni Senandro M. Jalgalado kaugnay sa muling pag-file ng candidacy ni Tallado para sa nalalapit na May 13, 2019 National and Local Election sa kabila ng sobra na ito sa term limit bilang halal na Gobernador ng Camarines Norte.

Batay sa isinumiteng ebidensya laban kay Tallado, ito ay simulang nahalal bilang Gobernador noong 2010, 2013, at 2016 elections, kabilang din dito ang kanyang termino sa pagkakaluklok nito bilang Gobernador resulta noong 2007 election.

Matatandaan din na ang dahilan ni Gob. Tallado sa kanyang muling pag-kandidato ay dahil umano sa nagkaroon ng interruption o pagkaputol ang kanyang termino sanhi ng ilang suspension at dismissal order na ipinatupad laban sa kanya ng tanggapan ng Ombudsman, subalit ang lahat ng paliwanag na ito ni Gob. Tallado ay hindi na pinakinggan ng Komisyon.

Ang pagkakansela ng Certificate of Candidacy (COC) ni Gob. Tallado ay nangangahulugan ayon kay Election Lawyer Romulo Macalintal, abogado ng mga Petitioners ay hindi na pwede ang Subtitution of Candidate o pagpapalit ng kandidato dahil itinuturing na hindi naging kandidato si Tallado para sa darating na May 13, 2019 National and Local Election. (TheFENIXFiles)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s