“GUSTO KO HEALTHY KA” | The PEOPLE’S CHOICE for a healthy Province of Camarines Norte

dra-cathy Gusto Ko Healthy Ka 2

CAMARINES NORTE (March 8, 2019) | Ang “GUSTO KO HEALTHY KA” ay isang konsepto ng komprehensibong programa na may adhikain para sa isang “MALUSOG NA MAMAMAYAN”, “MALUSOG  NA AGRIKULTURA” , “MALUSOG NA EKONOMIYA” AT “MALUSOG NA SERBISYO” para sa mamamayan ng Camarines Norte.

HANDOG KALUSUGAN

Simula noon hanggang ngayon, umulan man o umaraw, naka-pwesto man o wala sa pwesto ay walang humpay na isinusulong ni DR. CATHERINE BARCELONA-REYES, ang TINAGURIANG “DOKTORA NG MASA”, ang pagkalinga sa kalusugan ng mamamayan ng Camarines Norte, ito ay sa pamamagitan ng “HANDOG KALUSUGAN” na umiikot mula sa mga sentrong barangay  hanggang sa mga malalayong barangay ng probinsya.

dra-cathy handog kalusugan

Magkabalikat sa paghahatid ng “Handog Kalusugan” sina “Dra. Cathy” at “Kuya Jojo Unico” incumbent Congressman ng 1st District ng Camarines Norte, mula sa kanilang pinagtutuwangan na pribadong pondo ay kanilang  tuloy-tuloy na inihahatid ang serbisyong “handog kalusugan” para sa mamamayan.

Naniniwala si Dra. Cathy na ang kalusugan ay isang batayang pangangailangan (Basic Needs) ng bawat mamamayan, at sa panig ng gobyerno ito ay batayang serbisyo (Basic Services) na obligasyong ihatid ng libre ng pamahalaan sa bawat mamamayan.

GUSTO KO HEALTHY KA

dra-cathy 3

Layunin ng “GUSTO KO HEALTHY KA” program ayon kay Dra. Cathy ay ang mga sumusunod:

  • MALUSOG NA MAMAMAYAN o mamamayan na hindi nahihirapan sa pag-access sa mga libreng serbisyong pangkalusugan at mamamayang malusog dahil may sapat na pagkain na inihahain sa hapag-kainan o mamamayan na hindi nakakaranas ng kagutuman dahil sa kahirapan.
  • MALUSOG NA AGRIKULTURA o pamamahala na pagkakaisahin ang mamamayan para sa pagpapaunlad ng AGRIKULTURA at pangangalaga sa KAPALIGIRAN, KALIKASAN at LIKAS NA YAMAN upang pakinabangan ng sarili nitong mamamayan kaakibat ang PANG-TURISMONG aspeto sa layuning makatulong sa pagpawi ng gutom sa kumakalam na sikmura ng mamamayan.
  • MALUSOG NA EKONOMIYA o Maunlad na Ekonomiya na magpapa-angat sa pamumuhay at kabuhayan ng mahihirap na mamayan ng Camarines Norte upang matugunan ang suliranin ng mga magulang na kinakapos sa pagtustos sa mga pangangailangan ng mga nag-aaral na anak.
  • MALUSOG NA SERBISYO o serbisyong dekalidad sa lahat ng aspeto at mga pasilidad, serbisyong matapat na magbubukas at magpapabilis sa pag-access ng mamamayan sa mga serbisyong panlipunan.

MEMBER OF 16TH CONGRESS

dra-cathy 2 - 1

Si Dr. Cathy Barcelona-Reyes ay naging myembro ng 16th Congress (2013-2016) bilang kinatawan ng 1st District ng Camarines Norte.

PANOORIN: Ang Privelege Speech ni Congw Cathy Barcelona Reyes noong March 2015 tungkol sa matagumpay na pagpapahinto sa Illegal Mining Operation sa Camarines Norte.

Sa kanyang panahon ay nakapag download ang kanyang tanggapan ng malaking pondo na umaabot sa halagang P3B piso, kung saan malaki ang nai-ambag nito sa makikitang economic at social development sa unang distrito ng Camarines Norte.

Gumaus

Bilang isang manggagamot at negosyante ay ginamit niya ang kanyang propesyon at ang kanyang matagal ng karanasan bilang lingkod bayan sa batang edad para epektibong itakda ang paglilingkod na may layuning paunlarin ang mamamayan.

Si Dra. Cathy ay alumnae ng La Consolacion College, at nagtapos ng koleheyo, major in Psychology sa De La Salle University Manila. Naging Jose Rizal awardee rin si Dra. Cathy, bago pa siya kumuha ng kursong Medisina.

THE CHOICE FOR BETTER CHANGE CATHERINE BARCELONA REYES KABATAANG LIDER

dra-cathy IF YOU WANT SUCCESS

Habang nasa kolehiyo, siya ay nahalal na SK chairman ng Talisay, Camarines Norte hanggang sa siya ay maihalal na SK Federation President ng Camarines Norte at umupong Ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte. Kasunod nito ay muli siyang inihalal ng mga kabataan bilang National Treasurer ng Sangguniang Kabataan sa pambansang antas. (TheFENIXFiles)

“IF YOU WANT SUCCESS, SELECT FOR THE BEST.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s