PDEA: Sindikato ng droga may kagagawan sa malupit na pagpatay sa CamNorte PDEA Agent

PDEA Agent Barba Featured Image 2

CAMARINES NORTE, Bicol | Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang ginawang pagpatay kay PDEA Agent Enrico Barba ay kagagawan ng sindikato ng droga na may layuning pahinain ang determinasyon ng ahensya na durugin ang operasyon ng illegal drugs sa Bicol Region.

READ PDEA Director General Aaron Aquino’s Statement:

PDEA Statement

Karugtong nito ay mariing kinondena ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang brutal na pagpatay sa kanilang assistant provincial officer sa Camarines Norte na si Enrico Barba.

Binigyan-diin ni Aquino na mas magiging agresibo sila na tapusin ang war on drugs bago matapos ang termino ng Pangulong Duterte.  

PDEA BICOL REGIONAL OFFICE OFFICIAL STATEMENT

Isang official statement naman ang ipinalabas ng PDEA Bicol kaugnay sa pagkakapatay kay Camarines Norte PDEA Agent Enrico Barba. Ayon sa official statement na ipinalabas ng PDEA Regional Office V, dakong alas-12:00 ng hatinggabi noong February 18, 2019 nang maiulat na nawawala si PDEA Agent Enrico Barba, Assistant Provincial Officer ng PDEA Camarines Norte Provincial Office, matapos na ito ay makipagkita sa isang informant upang kumuha ng impormasyon tungkol sa drug activities sa Daet, Camarines Norte.

Ang misyon ni Barba batay sa PDEA ay fully documented at ipinaalam sa kanyang Provincial Officer na si Agent Vidal Bacolod na iniulat din nito sa PDEA Regional Director.

Sinabi ng PDEA na palatandaan nang kalupitan ang ginawang pagpatay kay Barba kung saan, alas-8:00 ng gabi noong February 18, 2019 nang matagpuan ang kaniyang katawan na tadtad ng tama ng bala sa mukha at katawan habang naka-tape ang bibig at nakatali ng packing tape ang dalawang kamay sa isang drainage canal sa Barangay Napulidan, Lupi, Camarines Sur.

PDEA Agent Barba Featured Image

PDEA Agent Barba 2

PDEA Agent Barba 3

Sinabi pa ng PDEA na ang imbistigasyon ay isinasagawa ngayon ng PNP at NBI ganundin ng PDEA Regional Office upang makilala ang may kagagawan. Ikino-konsidera ng PDEA na ang ginawang pagpatay kay Barba ay isang atake na lantarang humahamak sa Anti-Drug Operation sa Bicol Region.

Kaugnay nito, Siniguro ng PDEA Bicol na mas paiigtingin ng kanilang tanggapan ang pagsugpo sa ilegal na droga at palalakasin ang kanilang pagsisikap na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanilang kasamahan, na isang mabuting Asawa at  Ama sa kanyang mga anak. Mananatili umanong metatag ang PDEA Bicol. (TheFENIXFiles)

READ MORE:
https://www.facebook.com/396848503661170/posts/2402604849752182/

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s