DALAWANG MAGKASUNOD NA RECOVERY NG HALAGANG P5.4M AT ISANG P4.5M COCAINE NATAGPUAN SA KARAGATANG SAKOP NG VINZONS, CAMARINES NORTE

Cocaine recovery 2

VINZONS, Camarines Norte | Noong February 10, 2019, dakong alas 8:30 ng umaga unang natagpuan ng mag-amang mangingisda na sina Alfredo Vega y Saenz Sr. at Alfredo Vega y Jalimao Jr., ang isang pakete ng cocaine na may timbang na aabot sa 1,026.19 gramo at tinatayang nagkakahalagang P5,438.807 milyong piso sa karagatang malapit sa Quinamanucan Island, sakop ng Barangay Sula, Vinzons, Camarines Norte.

Kinaumagahan, February 11, 2019, muling nakatagpo ng isang pakete ng cocaine ang isang residente ng Brgy. Sabang, Vinzons, Camarines Norte na kinilalang si Jerry Aceron y Balane, natagpuan ang cocaine sa baybayin ng Barangay Aguit-it, Vinzons, Camarines Norte. Ang narekober na cocaine ay ipinag-turn-over sa isang Agustin Mendoza, residente rin ng Brgy. Sabang, Vinzons, Camarines Norte.

 

Cocaine recovery 3

Sa isinagawang follow-up investigation ng grupo ni Police Chief Inspector Andy O. Rosero, Assistant Chief of Police ng Vinzons PNP nabatid na ayon sa pahayag ni Agustin Mendoza ay itinapon nito sa dagat sakop ng Brgy. Sabang, Vinzons, Camarines Norte ang cocaine na ipinag-turn-over sa kanya sa pag-aakalang nakalalason ang laman ng pakete dahil sa masangsang na amoy. Kaugnay nito ay tinungo ng Vinzons PNP, kasama si Agustin Mendoza at ang Barangay Public Safety Officer upang hanapin sa dalampasigan ang pakete ng cocaine.

Cocaine recovery

Matapos ang paghahanap ay muling natagpuan ang itinapon na pakete ng cocaine, subalit ito ay hindi na selyado at nababad na sa tubig. Ang narekober na pakete ay agarang dinala sa Barangay Hall ng Brgy. Sabang Vinzons, Camarines Norte at ipinag-turn over sa nakatalagang imbistigador na kaagad namang dinala sa Vinzons Municipal Police Station para sa proseso ng dokumentasyon.

Dakong alas 10:35 ng gabi, February 11, 2019 ng e turn over sa PNP Provincial Crime Laboratory ang nasabing droga para sa qualitative and quantitative examination. Positibo ang naging resulta ng eksaminasyon at ang pakete ng cocaine ay minarkahan na Chemistry Report No. D-62-19, at nagtitimbang na 839.37 gramo na may tinatayang halaga na P 4,500,000.00 milyong piso. (The FENIX Files)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s