CHATO 2019: From Economic Tiger of Asia to Economic Prosperity of Camarines Norte up to uplifting the living and working conditions of the poor constituents of the 2nd District

Chato 2019

Daet, Camarines Norte (February 7, 2019) | Si Atty. Liwayway Vinzons Chato, mula sa pagpayaman sa ekonomiya ng Pilipinas, tungo sa pagpa-angat ng ekonomiya ng Camarines Norte hanggang sa pagpa-paunlad ng pamumuhay at hanap-buhay sa ikalawang distrito ng Camarines Norte.

Binigyang diin sa isinagawang pananalita ni Secretary Carlos Dominguez III ng Department of Finance sa ika-112 taong anibersaryo ng BIR noong August 1, 2016 kung saan inimbitahan ang mga naging Commissioner ng BIR na kinabibilangan ni Atty. Liwayway Vinzons Chato ay binanggit ni Sec. Dominguez, na upang maabot ng Pamahalaang Duterte ang THREE SONA goal ng Duterte Administration ay kinakailangan umanong e-adopt ng kasalukuyang BIR ang ginawang epektibong “Collection efficiency” nito noong  panahon ni Atty. Liwayway Vinzons Chato bilang Commissioner ng BIR, para may sapat na pundong magamit ang Duterte Administration sa pagpapatayo ng mga imprastraktura, pagpapasigla sa ekonomiya, paglaban sa kahirapan at makalikha ng maraming trabaho sa bansa.

THE ECONOMIC TIGER OF ASIA

Sa isinagawang investigative research ng The FENIX Files upang makalap ang karagdagang detalye hinggil sa ginawang epektibong Collection Efficiency ng Bureau of Internal Revenue noong panahon ni dating BIR Commissioner Liwayway Vinzons Chato ay nabatid na sanhi ito ng kumprehensibong pagbabago na ipinatupad ni Commissioner Chato sa BIR kabilang dito ang ACTS o Action-Centered Transformation Program; five year Tax Computerization Project (TCP), kasama dito ang pag-establish ng moderno at computerized Integrated Tax System at Internal Administration System; kasunod nito ang streamlining ng BIR sa pamamagitan ng pagpasa ng Executive Order No.430 upang suportahan ang implementation ng computerized Integrated Tax System. Bahagi sa highlight ng EO 430: Una ay ang pagbuo ng fourth Revenue Group sa BIR, ito ay ang Legal and Enforcement Group na pinamumunuan ng Deputy Commissioner; at Ikalawa ay ang pagbuo ng Internal Affairs Service, kung saan nakapaloob dito ang Taxpayers Assistance Service, Information Planning and Quality Service at ang Revenue Data Centers.

Sa pamamagitan ng naturang comprehensive at integrated transformation program ay halos umabot  sa 100% porsyento ang naging Tax Collection Efficiency ng BIR na naging batayan ng pagtaguri sa Pilipinas noon na kabilang sa Economic Tiger of Asia noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. (Tiger Economy is the economy of a country which undergoes rapid economic growth, usually accompanied by an increase in the standard of living. WikipediA)

READ MORE:

Ramos Administration: The year 1993 marked the entry into the Bureau of its first lady Commissioner, Liwayway Vinzons-Chato. In order to attain the Bureau’s vision of transformation, a comprehensive and integrated program known as the ACTS or Action-Centered Transformation Program was undertaken to realign and direct the entire organization towards the fulfillment of its vision and mission.

It was during Commissioner Chato’s term that a five-year Tax Computerization Project (TCP) was undertaken in 1994. This involved the establishment of a modern and computerized Integrated Tax System and Internal Administration System.

Further streamlining of the BIR was approved on July 1997 through the passage of EO No.430, in order to support the implementation of the computerized Integrated Tax System. Highlights of the said EO included the: 1) creation of a fourth Revenue Group in the BIR, which is the Legal and Enforcement Group (headed by a Deputy Commissioner); and 2) creation of the Internal Affairs Service, Taxpayers Assistance Service, Information Planning and Quality Service and the Revenue Data Centers.

Source: https://www.bir.gov.ph/index.php/transparency/bir-history.html

Chato 2019 3

ECONOMIC PROSPERITY OF CAMARINES NORTE

Noong October 22, 2009 isang napakahalagang batas ang inihatid ni Atty. Liwaway Vinzons Chato sa Camarines Norte na naging hudyat ng pang-ekonomiyang kaunlaran sa probinsya, ito ay ang conversion ng Camarines Norte Lone District sa dalawang (2) Legislative District sa pamamagitan ng Republic Act No. 9725, ito ay maituturing na tagumpay para sa buong probinsya ng Camarines Norte. Para sa karagdagang detalye basahin sa sumusunod na link: https://fenixfilesblog.wordpress.com/2019/01/27/chato-making-the-2nd-district-of-camarines-norte-a-better-place/

Chato 2019 2

LIVELIHOOD PROGRAM

Upang mai-angat ang living at working conditions ng mahihirap na mamamayan ng 2nd District ng Camarines Norte ay ipinahayag sa The Fenix Files ni Atty. Liwayway Vinzons Chato ang kanyang ilulunsad na Livelihood Training Program bilang preparasyon sa muli niyang pagbabalik na kongresista sa ikalawang distrito ng Camarines Norte na kinabibilangan ng pitong (7) bayan:  Basud, Daet, Mercedes, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay at Vinzons.

Ayon kay Atty. Chato, ay nakatakda nang pasimulan ang pagbibigay ng karunungan at mapag-kakakitaan para sa mga mamamayan ng Camarines Norte, kung saan pangangasiwaan ito ng kanyang bubuuing Special Livelihood Office na mamamahala sa mga isasagawang pagsasanay sa ibat-ibang Barangay sa ikalawang distrito, maaaring lumahok sa mga pagsasanay ayon kay Atty. Liwayway Vinzons Chato ang lahat ng sektor sa lalawigan tulad ng mga Kababaihan, Kabataan, Magsasaka, Mangingisda, Manggagawa, Media, Transport, Vendors, myembro ng alinmang organisasyon, indibidwal at iba pa na nagnanais na matuto ng mga dagdag na kaalaman sa mga pagkakakitaan at kabuhayan. (The FENIX Files)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s