DRUG BUST: Drug suspect arestado sa Buy-Bust Operation sa Vinzons, Camarines Norte

drug bust

VINZONS, CAMARINES NORTE (January 29, 2019) | Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang Drug Suspect sa isinagawang Buy-Bust operation ng pinagsanib na operatiba ng Vinzons Municipal Police Station (MPS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 1st Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (CNPMFC) at Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit (CNPDEU), na nagresulta sa pagkaka-aresto kay Ferdinand Maigue y Dela Peña, 40 taong gulang, residente ng Sitio, Minaogan, Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu, dalawang (2) piraso ng maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang Marijuana, isang (1) maliit na zip lock transparent plastic na lalagyan ng suspected drugs, dalawang (2) piraso ng maliit na transparent plastic sachet naglalaman ng suspected shabu, isang (1) piraso ng candy wrap (Snowbear) ginamit na lalagyan ng droga at isang (1) piraso ng P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa custody ng Vinzons Municipal Police Station. ###TheFENIXFiles

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s