Cam Norte 1st District Cong. Unico, principal author ng panukalang conversion ng CNSC bilang State University inimbitahan na dumalo sa Joint Public Hearing ng Senado bukas

cong unico principal author

CAMARINES NORTE (January 29, 2019) | Inimbitahan para sa isasagawang Joint Public Hearing bukas Miyerkules, January 30, 2019, 1:00pm, ng Senate Committee on Education, Arts and Culture si Camarines Norte 1st District Congressman Renato J. Unico Jr, principal author ng House Bill No. 637 na pinag-renumbered muli bilang House Bill No. 8800, panukalang batas na nagko-convert sa Camarines Norte State College (CNSC) bilang State University na tatawaging University of Camarines Norte (UCN).

Ang imbitasyon ayon sa ipinadalang sulat ng Committee Secretary ay upang talakayin at makapagbigay si Cong. Unico ng karagdagang kaalaman tungkol sa nabanggit na legislative measure na may titulo:

HBN 8800 – AN ACT CONVERTING THE CAMARINES NORTE STATE COLLEGE (CNSC) IN THE MUNICIPALITY OF DAET, PROVINCE OF CAMARINES NORTE INTO A STATE UNIVERSITY TO BE KNOWN AS THE UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE (UCN), AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR, Rep. Unico

READ: (Screenshot photo of letter dated January 24, 2019)

fb_img_1548388009561 3

HOUSE BILL / RESOLUTION HISTORY

Sa unang araw pa lamang ng pag-upo ni 1st District Rep. Unico ay agad nitong isinulong ang House Bill No. 00637 noong June 30, 2016 na may titulo:

AN ACT CONVERTING THE CAMARINES NORTE STATE COLLEGE (CNSC) IN THE MUNICIPALITY OF DAET, PROVINCE OF CAMARINES NORTE INTO A STATE UNIVERSITY TO BE KNOWN AS CAMARINES NORTE STATE UNIVERSITY AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR

READ: (Screenshot photo of House Bill No. 00637 history)

screenshot_20190125-115215

Kinalaunan, noong September 18, 2017 makalipas ang umaabot sa 5,779 na mga panukalang batas (House Bills) na isinulong ng iba’t-ibang kongresista sa Kamara o katumbas na mahigit sa (1) isang taon at (3) buwan ay isinulong na rin ni Rep. Marisol C. Panotes ang House Bill No. 06416 na may titulo:

AN ACT CONVERTING THE CAMARINES NORTE STATE COLLEGE (CNSC) IN THE PROVINCE OF CAMARINES NORTE INTO A STATE UNIVERSITY TO BE KNOWN AS THE CAMARINES NORTE STATE UNIVERSITY (CNSU) AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR

READ: (Screenshot photo of House Bill No. 06416 history)

screenshot_20190125-113346

Mapapansin batay sa mga nasabing datos mula sa House of Representatives, ang layo ng agwat ng numero mula sa House Bill No. 637 at House Bill No. 6416, ito ay may agwat na umaabot sa 5,779 House Bill, kung saan ito ay nagpapakita kung gaano katagal bago sinuportahan ng Kongresista ng Ikalawang Distrito ang panukalang batas ng Principal Author ng nasabing Legislative Measure na nagko-convert sa Camarines Norte State College bilang State University.

Kasunod nito, noong December 12, 2018, ay isinumite na ng House Committees on Higher and Technical Education, Appropriations, at Ways and Means ang COMMITTEE REPORT NO. 1035 na nagsusulong at nagrerekomenda ng approval ng Mother House Bill No. 8800 bilang kapalit ng House Bill No. 637 at House Bill No. 6416. Isinumite ito ng mga sumusunod na mambabatas bilang mga Authors kinabibilangan ito nina Reps. Renato “Kuya Jojo” J. Unico Jr., Marisol C. Panotes, Paolo Everardo S. Javier, Ann K. Hofer, Maria Carmen S. Zamora at Estrellita B. Suansing. Para sa karagdagang detalye basahin ang sumusunod na kopya ng committee report:

READ: (Screenshot photo of COMMITTEE REPORT NO. 1035)

committee report 1035 - re hb no 8800

committee report 1035 - re hb no 8800 2

ADVANTAGE OF A STATE UNIVERSITY STATUS

Isang napakahalagang legislative measure ang panukalang conversion ng Camarines Norte State College na maging State University ito, at maaari itong ikonsidera na tagumpay para sa lahat ng Estudyante, mga Magulang at Faculty Members kabilang na ang buong Komunidad.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), ang tagumpay na maging unibersidad ang isang kolehiyo ay nangangahulugan ng pagtaas ng Standards ng College Education sa probinsya ng Camarines Norte.

Ang State University status ay nangangahulugan ito nang mas maraming uportunidad para sa mga kabataang estudyante partikular sa kolehiyo, mas maraming pondo ang dadaloy, mas maraming kurso ang pagpipilian ng mga estudyante, mas malaking government subsidy, mas maraming teachers ang kailangan, mas maraming buildings ang itatayo, mas maraming facilities at equipment ang kailangan at mas maraming scholars o estudyante ang kayang tanggapin sa isang unibersidad. ###TheFENIXFiles

One thought on “Cam Norte 1st District Cong. Unico, principal author ng panukalang conversion ng CNSC bilang State University inimbitahan na dumalo sa Joint Public Hearing ng Senado bukas

  1. Pingback: RA-11399 BATAS SA PAGPAPALIT NG CNSC BILANG UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE, NILAGDAAN NA NI PANGULONG DUTERTE | The FENIX FILES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s