DRUG BUST: 2 Suspect timbog sa buy-bust operation sa Daet

buybust opn

DAET, CAMARINES NORTE| (January 28, 2019) Isang Buy- bust operation ang ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, PIB-CNPPO at Daet MPS na nagresulta sa pagkaka-aresto ng dalawang drug suspects dakong alas 10:20 ng umaga kahapon January 27, 2019 sa Central Plaza Mall, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang mga inarestong suspects na sina Victor Ramirez y Delantar, 40 taong gulang, may-asawa at residente ng Purok 5, Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte, at Noel Ledesma y Osoc, 53 taong gulang, may-asawa at residente ng Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Isinagawa ang Buy-bust operation ng pinagsanib na elemento ng PDEA Camarines Norte na pinamumunuan ni Agent Vidal DC Bacolod, Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) na pinamumunuan ni P/SUPT Joseph Maribay at Daet Municipal Police Station na pinangungunahan ni SPO2 Oliver Dumapias, kung saan ito ay nasa ilalim ng over-all supervision ni PDEA Regional Director CHRISTIAN FRIVALDO.

Nakumpiska sa nasabing operasyon mula sa dalawang suspek ang (2) pirasong plastic bag na nababalot ng packing tape na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, (2) unit ng cellphone kabilang ang boodle o buy bust money na ginamit ng mga operatiba. ###TheFENIXFiles

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s