CHATO: Making the 2nd District of Camarines Norte a better place

lvc ina ng 2 distrito ng cam norte

CAMARINES NORTE | Nag-umpisang umusbong ang pag-unlad dahil sa pagkakahati ng Lone District ng Camarines Norte. Sa ikalawang taon pa lamang ng unang termino ay ipinakita na ni Atty. Liwayway Vinzons – Chato noon ang kanyang husay sa pamamagitan ng pagkakasabatas ng Republic Act 9725 – na may titulong “An Act Providing for the Reapportionment of the Lone District of the Province of Camarines Norte” kung saan, ito ay ganap na naisabatas noong October 22, 2009.

Kaugnay nito ang Comelec sa pamumuno ni Comelec Chairman Jose A. R. Melo ay agarang inaprubahan ang Comelec Resolution No. 8694 na may titulong IN THE MATTER OF IMPLEMENTING REPUBLIC ACT NO. 9725 ENTITTLED ‘AN ACT PROVIDING FOR THE REAPPORTIONMENT OF THE LONE LEGISLATIVE DISTRICT OF THE PROVINCE OF CAMARINES NORTE” noong November 10, 2009 upang ganap na maipatupad ang paghati sa nag-iisang distrito ng Camarines Norte. Ang pagkakahati sa dalawang legislative district ng Camarines Norte ay naghatid nang hindi matatawarang KAUNLARAN sa probinsya.

Ayon sa Republic Act No. 9725 ang lone legislative district ng Camarines Norte ay hinahati batay sa mga sumusunod na komposisyon:

1st Legislative District

  1. Capalonga
  2. Jose Panganiban
  3. Labo
  4. Paracale
  5. Sta. Elena

2nd Leqislative District

  1. Basud
  2. Daet
  3. Mercedes
  4. San Lorenzo Ruiz
  5. San Vicente
  6. Talisay
  7. Vinzons

chato make 2nd district a better place

Hindi mapasusubalian ang napakalaking ambag sa pag-angat ng ekonomiya, karagdagang imprastraktura at pundo sa probinsya ng Camarines Norte ang nagawa ni Atty. Liwayway Vinzons Chato dahil sa pagkakahati nito sa dalawang distrito.

Batay sa datos mula sa DPWH ang dating tinatanggap na Countrywide Development Fund (CDF) noon ng Lone District ng Camarines Norte na halagang P70 Million Pesos taon-taon ay tumaas ito ng halos pitong ulit dahil sa kasalukuyang datos ay umaabot na sa halagang P500 Milyong Piso ang tinatanggap ng bawat distrito ng Camarines Norte mula sa taunang General Appropriations na inaaprubahan ng Kongreso. Ibinabase ayon sa DPWH ang alokasyon mula sa mga sinusumiteng propose programs at projects ng dalawang kongresista, Camarines Norte Engineering District at iba pang mga National Government Agencies na nakabase sa probinsya.

Dahil dito si CHATO sa ngayon ay ikinokonsidera bilang “most qualified to make the 2nd District of Camarines Norte a better place”… sa pamamagitan ng taglay nitong Prinsipyo, Integridad at Karanasan. ###TheFENIXFiles

One thought on “CHATO: Making the 2nd District of Camarines Norte a better place

  1. Pingback: CHATO 2019: From Economic Tiger of Asia to Economic Prosperity of Camarines Norte up to uplifting the living and working conditions of the poor constituents of the 2nd District | The FENIX FILES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s