ATTY. LIWAYWAY VINZONS-CHATO a leader with Result and Action: Nakilala bilang Graft-Buster at ina ng 2 distrito ng Camarines Norte

Atty. LVC graft buster

CAMARINES NORTE, (December 20, 2018) | “Si Atty. Liwayway Vinzons-Chato ay isang kongresistang umaaksyon, may napatunayan na at may patutunayan pa.”

Unang nakilala at naging tanyag si Atty. Liwayway Vinzons-Chato sa kanyang reputasyon bilang graft-buster noong siya ay umupo bilang Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) simula noong 1993 hanggang 1998.

Atty. LVC BIR Com

Magugunita na noong 1993, ang BIR sa pamumuno ni Chato ay nagsampa ng tax evasion case laban sa ilang Fortune officials kabilang si Lucio Tan.

Kasunod nito noong 2001 sa isang landmark decision ng Quezon City Regional Trial Court ay pinuri ni Judge Diosdado Peralta ang Bureau of Internal Revenue at ang effort ni Madam Liwayway Vinzons-Chato, kabilang ang Tax Fraud Division at Prosecution Division ng BIR dahil sa hindi matatawarang investigative skills ng mga ito na nagresulta sa pagkakatuklas sa tinaguriang “BIR Scam”, kabilang din sa  pinapurihan ng korte ang Volunteer Against Crime and Corruption sa nasabing desisyon.

Sa naturang desisyon ay napatunayang may sala sa kasong Economic Plunder si Dominga Manalili, dating cashier ng BIR at ang apat pang mga kasabwat nito kung saan hinatulan sila ng dalawang habambuhay na pagkakabilanggo. Nahatulan sina Manalili dahil sa pagkamal ng halagang P260 million mula sa pondo ng BIR.

Basahin ang mga karagdagang detalye mula sa sumusunod na link: Ex_BIR chief triumphs in plunder case

Muling ipinakita ni Atty. Liwayway Vinzons-Chato ang kanyang di matatawarang kakayahan bilang “Leader with Result and Action”, noong 2007 hanggang 2010, ng ihatid nito ang hindi mapa-susubaliang progreso sa Camarines Norte matapos na maisabatas ni Atty. Liwayway Vinzons-Chato sa loob lamang ng isang termino bilang kongresista ang Republic Act 9725 na may titulong “An Act Providing for the Reapportionment of the Lone District of the Province of Camarines Norte” kung saan ito ay ganap na naging batas noong October 22, 2009.

Cong. Chato 2

SOURCE: House Of Representatives Press and Public Affairs Bureau.

Sa ngayon muling patutunayan ni Atty. Liwayway Vinzons-Chato sa lalawigan ng Camarines Norte ang kanyang kakayahan bilang Kongresistang umaaksyon, marami ng napatunayan at marami ng natulungan, marami pang patutunayan at marami pang tutulungan.”

MGA NAGAWA SA KONGRESO SA LOOB NG ISANG TERMINO (2007-2010):

  • Ginawang 2 Distrito ang dating Lone District ng Camarines Norte (R.A.9725)
  • Napababa ng 2% ang buwis sa Life Insurance na dating 5% (R.A. 10001)
  • Pinalawig ang panahon ng effectivity ng Comprehensive Agrarian Reform Program bilang tulong sa mga magsasakang walang sariling lupa
  • Napalagyan ng pondo ang Barangay Improvement Development Action (BIDA) Program bilang tulong sa pag-unlad ng mga Barangay
  • Nakapaglaan ng pondo sa 1,500 scholars sa kolehiyo at 2,000 TESDA scholars
  • Nakapagpagawa ng maraming proyektong pang-imprastraktura katulad ng mga Farm to Market Roads, mga Tulay, pagpapaganda ng Mercedes Fish Port, School Buildings, Barangay Halls at iba pa.

The FENIX Files

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s