Kusog Bikolandia Candidates sa CamNorte ipinakilala, tactical alliance sa 3 political party pinatatag, malakas na Oposisyon nabuo

Kusog Bikolandia Cam Norte

CAMARINES NORTE | Ipinakilala ng Kusog Bikolandia (KB) ang kanilang 60 kandidato mula sa anim (6) naprobinsya ng Bikol kabilang ang anim (6) na kandidato sa Camarines Norte. Kaalinsabay nito ang pagpapatibay ng pakikipag alyansa ng Kusog Bikolandia sa National Unity Party (NUP), Liberal Party (LP) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP), at dahil sa nasabing alyansang pantaktika ay nabuo ang isang malakas na oposisyon sa lalawigan ng Camarines Norte.

KUSOG BIKOLANDIA CANDIDATES IN CAMARINES NORTE

Nangunguna sa mga kandidato ng Kusog Bikolandia sa Camarines Norte si dating BIR Commissioner at dating Congresswoman at Ina ng dalawang (2) distrito ng Camarines Norte Atty. Liwayway Vinzons – Chato, kandidato bilang kongresista sa 2nd District ng Camarines Norte, Donovan A. Mancenido – kandidato bilang Mayor sa bayan ng Talisay, Camarines Norte, Nelfidel C. Defeo at Nora De Mata Miralles – kandidato bilang Konsehal sa Talisay, Camarines Norte, Jeana T. Yapyuco – kandidato bilang Vice Mayor sa Mercedes, Camarines Norte at Ricky Manarang – kandidato bilang Konsehal sa Paracale,Camarines Norte.

Ang Kusog Bikolandia ay isang bagong Regional Political Party sa Bicol Region na narehistro sa Commission on Election (Comelec) noong buwan ng Oktubre ngayong taon. Ang partido ayun kay Noel DeLuna, Chairman ng (KB) ay may mahigit na sa 100,000 isandaang libong miyembro sa kasalukuyan.

Ang organisasyon ay itinatag noong July 5, 2018, kung saan binubuo ito ng mga sumusunod na founding officers at members ang Kusog Bikolandia Executive Board:

  • Noel N. De Luna – Founder / Chairman of the Executive Board
  • Atty. Jorge V. Sarmiento – President
  • Carmelo Redencion T. De Leoz Jr. – Secretary General
  • Atty. Roberto Rafael V. Lucila – Executive Vice President  and General Counsel
  • Flor B. Azotea
  • Atty. Steve Resari – Executive Director and Vice President for Albay
  • Atty. Felix Brazil Jr. – Vice President for Camarines Sur
  • Febes R. Rosales – Vice President for Camarines Norte
  • Atty. Fredeswindo Gianan Jr. – Vice President for Catanduanes
  • Atty. Gil Genorga Jr. – Vice President for Masbate
  • Jose B. Perez – Vice President for Sectoral Affairs
  • Marcelino Manuel – Governance Officer

Isa ang The FENIX Files sa mga media mula sa (6) na probinsya ng kabikulan na inimbitahan sa pamamagitan ni G. FEBES RADA ROSALES, Vice President for Camarines Norte ng Kusog Bikolandia, upang saksihan ang Grand Launching ng kanilang partido na isinagawa noong December 2, 2018 sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City.

TACTICAL ALLIANCE

Matatandaan na noong nakalipas na buwan ng Oktubre ay pumasok sa isang Tactical Alliance ang Kusog Bikolandia sa National Unity Party (NUP), isang national party na accredited ng Comelec simula noong October 5, 2011. Ayon sa pahayag ni Noel De Luna, KB Chairman inampon ng NUP ang mga kandidato ng Kusog Bikolandia sa buong Bicol Region dahilan sa nakabinbin pa sa Comelec ang application for registration ng kanilang partido sa panahon ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy.

Samantala, sa Camarines Norte dahilan sa layuning mas patatagin pa ang partido ay nakipag-alyansa ang Kusog Bikolandia (KB) sa dalawa pang malalaking partido pulitikal, bukod sa National Unity Party (NUP) ay nagkaroon na rin ng alyansa ang Kusog Bikolandia (KB) sa Liberal Party (LP) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP). Sa pamamagitan ng nabuong alyansang pantaktika ng apat (4) na malalaking partido sa Camarines Norte ay nagkaisa ang malalaking pangalan sa pulitika sa probinsya na kung saan ay ganap nang nabuo ang isang malakas na grupo ng Oposisyon upang pababain sa Kapitolyo ang Administrasyon na nagdulot ng ibayong kahihiyan sa probinsya sanhi ng samut-saring mga kontrobersya, paglabag sa batas at imoralidad na nagpabagsak sa dangal ng lalawigan.

Ang nasabing alyansang pantaktika  ay pinamumunuan ng mga standard bearer ng bawat partido, kung saan sa panig ng Kusog Bikolandia (KB) ay pinangungunahan ito ni Atty. Liwayway Vinzons – Chato, ang Ina ng dalawang distrito ng Camarines Norte at aspirante sa pagka-kongresista sa 2ndDistrict ng Camarines Norte, samantalang ang National Unity Party (NUP) ay pinamumunuan ni Incumbent Congressman Renato J. Unico Jr., ng 1stDistrict ng Camarines Norte, re-electionist, at ang LiberalParty (LP) naman ay kinakatawan ni dating 1st District Congresswoman Dr. Cathy Barcelona – Reyes, na kumakandidato sa pagka-Gobernador sa Camarines Norte at ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay kinakatawan naman ni Jose Panganiban Mayor Ricarte “Dong” Padilla na kumakandidato bilang Bise Gobernador.

SEE PHOTOS OF CAM NORTE’S STRONG OPPOSITION LEADERS:

alliance-of-opposition-cn

The strong united opposition leaders in Camarines Norte

GRAND LAUNCHING

Panauhing pandangal sa isinagawang Grand Launching si dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” T. Go at sa pamamagitan ng panukala ni Febes Rada Rosales, Executive Vice President for Camarines ng Kusog Bikolandia ay ganap na inaprubahan ang Resolution No. 16 series of 2018 na nagdedeklara kay dating SAP Bong Go bilang Honorary Member ng organisasyon.

Ang grand launching ng Kusog Bikolandia ay sinaksihan din ng mga lider ng Oposisyon  mula sa lalawigan ng Camarines Norte, ito ay kinabibilangan nina Congressman Renato “Kuya Jojo” Unico, Dr. Cathy Barcelona –Reyes, Board Member Michael Canlas, Mayor Dong Padilla, former Daet Mayor Tito Sarion, former Sta. Elena Vice Mayor William Bercilla, Mercedes Mayoralty Candidate Boboy Morales at iba pa.

SEE PHOTOS FROM THE GRAND LAUNCHING:

fb_img_1543991265408

Atty. Liwayway Vinzons – Chato (Lady in red/Center), SAP Bong Go (4th from left), Noel De Luna (White polo shirt/Center), Febes Rada Rosales (2nd from the right)

fb_img_1543991294720

Atty. Liwayway Vinzons – Chato (Left), SAP Bong Go (2nd from left), Noel De Luna (2nd from right), and Jeana Yapyuco (Right)

fb_img_1543991364782

Febes Rada Rosales (Left), Atty. Liwayway Vinzons – Chato (2nd from left), SAP Bong Go (Center), Noel De Luna (2nd from right), and Jeana Yapyuco (Right)

fb_img_1543991339489

Febes Rada Rosales (3rd from left), Atty. Liwayway Vinzons – Chato (4th from right), SAP Bong Go (3rd from right)

fb_img_1543774111851

Si Cong. Renato “Kuya Jojo” Unico, Dr. Cathy Barcelona – Reyes, former Daet Mayor Tito Sarion at Febes Rosales habang kausap si former SAP Bong Go

fb_img_1543774123217

Si Cong. Renato “Kuya Jojo” Unico, Dr. Cathy Barcelona – Reyes, Noel De Luna (KB Chairman) habang kausap si former SAP Bong Go

fb_img_1543774138260

Si Dr. Cathy Barcelona – Reyes, Noel De Luna (KB Chairman) habang kausap si former SAP Bong Go

fb_img_1543774054273

Sina Dr. Cathy Barcelona – Reyes, Atty. Liwayway Vinzons – Chato at Board Member Michael Canlas picture taking with former SAP Bong Go

TheFENIXFiles

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s