DAET MAYOR KONTRATISTA NG DEPEKTIBONG PROYEKTO NG KAPITOLYO AYON SA MGA DOKUMENTO MULA SA COA

DAET, Camarines Norte | Si Daet Mayor Benito S. Ochoa ang lumilitaw na kontratista ng proyektong hindi tapos ang pagkakatrabaho at may depekto sa estruktura ayon sa mga dokumentong inilabas ng Commission on Audit (COA).

Binanggit sa COA report na ang depektibong proyekto na ipinagawa ng kapitolyo ay ang Upgrading/Rehabilitation ng Talisay-Gabon-Sta. Cruz road sa bayan ng Talisay, Camarines Norte na nagkakahalagang P18,582,845.00 milyong piso at ang Construction ng Multi-Purpose Hall sa Barangay Oliva, Basud, Camarines Norte na nagkakahalagang P1,443,701.00 milyong piso.

Nabatid mula COA ocular inspection report, na ang tatlong (3) sides ng bubong ng Multi-Purpose Hall na matatagpuan sa Brgy. Oliva, Basud, Camarines Norte ay walang iniagay na “end flushing at fascia boards” ang kontratista, kung saan ayon sa COA ay taliwas ito sa Certificate of Acceptance na inisyu ng Kapitolyo na nagsasaad na kumpleto na ang pagkakagawa ng proyekto.

Samantala, sa resulta naman ng isinagawang inspection ng Regional Technical Services ng COA Regional Office ay nakita na may mga bitak at butas ang ilang bahagi ng pagkaka-simento ng proyekto na nagpapakita na ito ay taliwas sa inilabas na Statement of Work Accomplished (SWA) ng Provincial Government ng Camarines Norte, at ito’y makikita sa kalakip ng mga pictures na minarkahan ng COA na ANNEX 19.

Makikita sa mga kalakip na pictures ang pangalan at lagda ni Mayor Benito S. Ochoa bilang contractor at Kevin L. Allermo bilang Project Engineer.

See COA photo attachments:

Screenshot_2018-11-12-16-45-20

IMG_20181112_165120_928

Screenshot_2018-11-12-16-49-20

Ayon sa COA ay kailangan isaayos ang mga nabanggit na depekto alinsunod sa Section 62 ng Implementing Rules and Regulations ng R.A. 9184. Kaugnay nito, inerekomenda ng COA sa taga-pamahala ng Kapitolyo ang mga sumusunod pagtutuwid:

  1. Bago mag-isyu ng Certificate of Acceptance ay kailangan na ang Project Engineer ay dapat magsagawa ng ocular inspection upang masiguro na ang lahat ng mga bagay sa proyekto ay kumpleto at ang mga depekto sa istraktura ay maisaayos bago bayaran ang kotratista.
  2. Ipatupad ang inirekomendang hakbang upang isaayos ang mga nakitang depekto ng COA Technical Audit Specialist (TAS), dahil dito ang kontratista ay hindi makakaiwas sa kanyang responsibilidad sa structural defects/failures na ginawa ayon sa isinasaad ng Section 62 (Warranty) ng revised IRR ng RA 9184.
  3. Sa oras na mabigo ang kontratista na sumunod sa rekomendasyon ng COA, ay magpapalabas ng Notice of Disallowance ang COA Audit Team kaugnay sa nasabing transaksyon batay sa katumbas na halaga ng nakitang structural defects at incomplete work items.

Sa dakong huli, sinabi ng Audit Team na habang isinusulat ang COA report at wala silang natanggap na comment mula sa pamunuan ng Provincial Government ng Camarines Norte.

Sa kabilang dako, sa hiwalay na dokumentong kinalap ng The FENIX Files mula sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) ay makikita ang pangalan ni Benito Sy Ochoa bilang rehistradong may-ari ng B2K Lumber, Construction Supplies and Services na may validity ng PCAB License simula June 30, 2017 hanggang June 30, 2019.

See screenshot photo attachment:

PCAB Screenshot_2018-11-12-16-08-36 - B2K

Sa patuloy na pagpasok ni Daet Mayor Benito S. Ochoa sa mga kontrata sa gobyerno ay wala ba siyang nilalabag na batas tungkol sa conflict of interest? Abangan ang mga kasunod na investigative research ng The Fenix Files hinggil sa mga disbentaheng epekto sa mamamayan ng mga proyektong dapat ay pinakikinabangan ng buong-buo ng publiko subalit dahil sa mga depekto at anomalya ay nalalagay sa alanganin ang pampublikong interes. #TheFENIXFiles

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s