P8.75M transaction ng LGU Mercedes kaduda-duda at may nilalabag na mga panuntunan ayon sa COA

Mercedes questionable transactions

Mercedes, Camarines Norte | Nagkaroon ng pagdududa ang Commission on Audit (COA) sa kawastuan at katumpakan ng transaksyon sa pagbayad ng kabuuang halagang P8.75 million para sa pagbili ng limang (5) units ng Motor Vehicle na nagkakahalagang P6,890,626.54 million at halagang P1,858,549.78 million para naman sa iba’t-ibang transaksyon ng pagkumpuni (repair and maintenance) ng mga transportation equipment ng LGU Mercedes.

Ayon sa COA, sa post audit na ginawa nila ay kanilang natuklasan na ang pamahalang bayan ng Mercedes ay nagbayad ng halagang P8.75 million para sa nabanggit na mga transaksyon, ito ay ginawa sa kabila ng mga sumusunod na deperensiya at kakulangan sa mga dokumento:

Para sa pagbili ng (5) Motor Vehicle:

  1. Ang kalakip na Inspection and Acceptance Report (IAR) ay walang number at walang petsa kung Kaylan isinagawa ang inspection at acceptance sa mga biniling motor vehicle.
  2. Walang Warrant Security
  3. Walang certificate mula sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).
  4. Ang Property Acknowledgement Receipt (PAR) ay walang lagda ng Municipal Treasurer.

Para sa Repair at Maintenance:

  1. Ang Waste Material Report (WMR) ay hindi nagbabanggit ng mga nasirang spare parts at wala ring pictures na inilakip upang maging patunay sa aktwal na nasira at ipinalit na spare parts.
  2. Walang kalakip na kopya ng dokumento na nagpapakita ng history ng repair.
  3. At ang pagbayad ay hindi sinusuportahan ng Post Inspection Report.

Binanggit ng COA na sa Disbursement Vouchers (DV) ng nasabing transaksyon ay may nakalagay na puna ang Municipal Accountant na nagsasaad na sa nasabing transaksyon ay walang isinagawang inspection, walang PhilGEPS certificate at walang property tag nang gawin ng Accountant ang pre-audit, sa ganitong pagkakataon ay nararapat lamang na hindi ipagpatuloy ang transaksyon dahil sa mga kakulangan ng required documents.

Subalit sa kabila ng mga deperensya sa mga kinakailangang dokumento ay ipinagpatuloy pa rin ayon sa Accountant ang proseso dahil nagpalabas ang Municipal Mayor ng office order na nag-uutos sa Municipal Accountant na ipagpatuloy ang pag-proseso ng vouchers upang ibayad sa nasabing mga transaksyon. “Ayon sa COA, ang praktis na ito ay maaaring mapunta ang pondo ng gobyerno sa katiwalian.”

Idinagdag pa ng Commission on Audit na ang nasabing mga transaksyon ay lumalabag sa mga sumusunod na Section 9.1.3.1 at Section 9.1.3.4 ng COA Circular No. 2012-001 dated June 14, 2012.

Ang The FENIX Files ay patuloy na nagsasagawa ng investigative research hinggil sa inilabas na pagsusuri ng COA tungkol sa kung paano ginagastos ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Mercedes ang pondo mula sa buwis ng mamamayan. Abangan ang mga kasunod na update kaugnay sa ilan pang mga kahina-hinalang transaksyon ng LGU Mercedes. ###The FENIX Files

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s