MISSING: 1,049 disbursement vouchers na nagkakahalaga P75.77 million hindi isinumite ng LGU Labo sa COA

Missing DV Labo

Labo, Camarines Norte |  Nawawala at hindi isinumite ng pamahalaang lokal ng Labo, Camarines Norte sa Commission on Audit (COA) ang aabot sa 1,049 disbursement vouchers (DV’s) na may katumbas na halagang P75,774,004.86 milyong piso. Natuklasan ito matapos na isagawa ng COA ang crosschecking sa mga isinumiteng disbursement vouchers DV’s para sa mga transaksyon sa taong 2017 sa buwanang records ng mga tseke na inisyu o monthly Reports of Checks Issued (RCI) ng LGU Labo.

Batay sa summary report ng COA, ang mga nawawalang disbursement vouchers at pondo kabilang ang katumbas na halaga nito ay makikita sa sumusunod na detalye:

FUND                           DV’s QUANTITY                    AMOUNT /PhP

General Fund                          601                                31,085,002.88

Special Education Fund         78                                   4,154,153.21

Trust Fund                               370                                40,534,848.77

Total                                        1,049                              75,774,004.86

Ayon sa COA, ang hindi pagsumite ng disbursement vouchers (DV’s) ay paglabag sa Section 7.2 at Section 7.1 ng Commission on Audit (COA) Circular No. 2009-006 dated September 15, 2009.  Ang Section 7.2 ay nagsasaad ng responsibilidad ng Accountant, Bookkeeper at iba pang awtorisadong opisyal na magsagawa ng accounting at bookkeeping functions ng lokal na gobyerno na siguruhin ang mga sumusunod:

  1. Ang reports at supporting documents na isinumite ng accountable officers ay agad na itala sa book of accounts at ito ay kinakailangang isumite sa Auditor sa loob ng unang sampung (10) araw ng kasunod na buwan.
  2. Ang mga records sa pananalapi ay siguruhing naa-acess sa tamang oras ng Auditor at sinumang representante nito kung kinakailangan.

Samantalang ang Section 7.1 ay nagsasaad naman ng pangunahing responsibilidad ni Mayor Joseph Ascutia bilang head of the agency na pangalagaan ang lahat ng pondo at ari-arian ng lokal na pamahalaan, kung saan kinakailangan nitong siguruhin ang mga kailangang pampinansyal na ulat at iba pang reports at statements ay isumite sa loob ng itinakdang panahon ng Commission on Audit.

Sa rekomendasyon ng COA, sinabi ni State Auditor V Maura S. Ruy, Supervising Auditor ng COA Camarines Norte na ipatupad ni Mayor Joseph Ascutia sa loob ng 60 araw simula June 25, 2018 hanggang August 25,2018 ang kanilang mga sumusunod na rekomendasyon:

  • Estriktong sundin ng mga opisyal ng LGU Labo ang Commission on Audit (COA) Circular No. 2009-006 at iba pang batas, patakaran at regulasyon.
  • Atasan ng Alkalde ang Municipal Treasurer at Municipal Accountant na agarang isumite ang nasabing nawawalang mga disbursement vouchers kabilang ang kumpletong suportang mga dokumento.
  • Atasan ng alkalde ang Municipal Treasurer na siguruhin na ang paid Disbursement Vouchers ay intact sa listahan ng monthly Reports of Check Issued (RCI) matapos na ito ay maisumite sa tanggapan ng Accountant, at
  • Atasan ang Municipal Accountant na laging ipadala ang kumpletong pagsumite ng mga account upang mapadali ang masusing pagsusuri at verification ng mga transaksyong pinansyal ng LGU Labo.

Dagdag pa ng COA, ang hindi pagsunod at hindi pagsusumite ng mga kailangang dokumento upang patunayan ang kaayusan ng paggasta ng pondo ng gobyerno ay nangangahulugan ito ng issuance ng Notice of Suspension sa nasabing accounts, kasunod nito ang Notice of Disallowance.

Ayon sa COA ang Notice of Suspension (NS) ay nangangahulugan na nakapagdududa ang validity ng transaksyon, samantalang ang Notice of Disallowance (ND) ay nangangahulugan na irregular o illegal ang transaksyon.

Samantala, makikita naman ang kapabayaan sa panig ng mga lokal na opisyal ng Labo, Camarines Norte, sa pangunguna ng Alkalde, Treasurer at Accountant dahil sa sobrang pagkaantala sa panig ng COA na masuri sa tamang oras ang ginagawang paggastos ng pananalapi ng lokal na pamahalaan ng Labo, Camarines Norte bukod pa dito ang posibleng paglabag sa Anti-Graft Law dahil sa magdudulot ito ng undue injury sa panig ng gobyerno sakaling hindi maisumite ang nasabing mga nawawalang Disbursement Vouchers na nagkakahalagang P75.77 milyong piso sa loob ng 60 araw na ibinigay na palugit ng Commission on Audit. ###TheFENIXFiles

One thought on “MISSING: 1,049 disbursement vouchers na nagkakahalaga P75.77 million hindi isinumite ng LGU Labo sa COA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s