Tinangkang itago P14.24M unliquidated cash advances para sa gasolina at fuel expenses, COA sa CamNor Gob habulin at kasuhan ang PEO at GSO

COA sa CamNorte Gob

Camarines Norte | Tinangkang itago at isarado ng OIC-Provincial Accountant ang account receivables ng Provincial Government ng Camarines Norte na umaabot sa P14.24 milyong piso na dapat ay bayaran at panagutan nina General Services Officer Eden Borja at Provincial Engineer Johnny Enova, ang tangkang pagkubli ay ginawa sa pamamagitan ng erroneous na pag-reverse ng entries sa libro ng Provincial Government.

Ayon sa Commission on Audit (COA), nang kanilang suriin ang recorded balances sa subsidiary ledger ng libro ng Provincial Government ng Camarines Norte noong November 2017 ay kanilang nakita ang account na Other Pre-Payments (Binayaran na ng Advance) na nagkakahalagang  P14.24 million.

Sa ginawang beripikasyon ng Commission on Audit ay lumabas na ang nasabing halaga (P14.24M) ay tumutukoy sa unliquidated cash advances para sa gasoline at fuel na kinunsumo ng dalawang opisina noong nakaraang taon 2016, ayon sa COA ang General Services Office (GSO) ay kumunsumo ng P10.31 million at ang Provincial Engineer’s Office (PEO) ay kumunsumo ng P4.11 million na magpahanggang ngayon ay unliquidated pa rin.

Idinagdag pa ng COA, na noong June 30, 2017 ang account na pre-payment o account na binayaran ng advance ay makikita sa libro ng PGCN bilang other pre-payment o iba pang binayaran ng advance. Subalit bago pa umano ang June 30, 2017 ang nasabing account ay nakatala bilang “Other Receivables” o account na kailangang tanggapin ng Provincial Government mula sa opisyal ng General Services Office (GSO) at Provincial Engineer’s Office (PEO) at hindi account na binayaran na ng advance o pre-payment na account.

Sa pakikipag-usap ng COA sa OIC-Provincial Accountant ng Provincial Government ay sinabi umano nito na ang nasabing account ay itinala bilang Pre-payment o advance ng binayaran sa Kapitolyo at hindi Receivable o account na dapat pang tanggapin ng kapitolyo ay sanhi umano ng hindi pag-susumite nina General Services Officer Eden Borja at Provincial Engineer Johnny Enova ng liquidation at utilization reports.

Ayon sa COA, ang layunin ng pag-reverse ng entries na ginawa ng OIC-Provincial Accountant ay upang ganap ng maisarado ang account na dapat tanggapin ng Kapitolyo mula kay Ms. Eden Borja, PGSO at Engr. Johnny Enova, Provincial Engineer at palabasin sa imbentaryo na ito ay binayaran na. Subalit sinabi ng COA na ang pag-reverse ng entries ay hindi nito maitatago ang depekto sa financial statements.

Sa huli, inerekomenda ng COA ang agarang pagpapasumite mula sa nasabing mga opisyal ng liquidation at utilization reports para sa nakunsumong fuel at gasoline na nagkakahalagang P14.24 milyon, sakaling hindi pa rin ito sumunod ay agaran na umanong ipapatupad ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa mga nabanggit na opisyal. Ang 60 araw mula noong May 31, 2018 na ibinigay na palugit ni COA Bicol Regional Director Roland A. Rey para kay Gob. Pimentel upang umaksyon sa kanilang rekomendasyon ay nagtapos noong July 31, 2018.

Pinaniniwalaan naman ng ilang opisyal at kawani ng Provincial Government ng Camarines Norte na ang nasabing Unliquidated Cash Advances para sa fuel at gasoline expenses na umaabot sa halagang P14.24 million ay ginamit noong nakaraang 2016 election ng sinibak na opisyal ng Camarines Norte, kaya’t hanggang sa kasalukuyang taon 2018 ay hindi pa rin makapag sumite ng liquidation at utilization reports sina Borja at Enova, na kung saan sila ang naiipit sa kasalukuyan. ###TheFENIXFiles

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s