Tallado tuluyan ng sinibak bilang Gobernador ng Camarines Norte

Tallado sinibak na

Camarines Norte (March 15, 2018) – Tuluyan ng sinibak bilang Gobernador ng Camarines Norte si Gob. Edgardo Tallado matapos ipatupad ni DILG – Bicol Regional Director Elouisa T. Pastor ang Dismissal Order ng Ombudsman kahapon Marso 14, 2018.

Ganap na ika-5:00 ng hapon ng isilbi sa tanggapan ni Gobernador Tallado ang Order samantalang ganap na  ika-5:07 naman ng hapon tinanggap ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang Succession Order para sa bagong Gobernador at Bise Gobernador ng Camarines Norte.

Ayon sa  Order na nilabas ni DILG Regional Director Pastor ay itinatalaga alinsunod sa Section 46 ng RA 7160 (Local Government Code of  1991) si Vice Governor Pedro Jonah G. Pimentel bilang bagong Gobernador at si Senior Board Member Arthur Michael G. Canlas bilang bagong Bise Gobernador ng Camarines Norte.

Basahin ang kalakip na kopya ng Succession Order para sa tanggapan ng Bise Gobernador:

DILG Succession Order Vice Governor

Magugunita na ang bagong Dismissal Order laban kay Tallado ay nag-ugat sa kasong isinampa ni dating Provincial Veterinarian Dr. Edgardo Gonzales na sinibak ni Gob. Tallado nang siya ay maging Gobernador noong 2010.

Sa unang kasong isinampa ni Dr. Gonzales kay Gob. Tallado sa tanggapan ng Ombudsman (OMB-C-A-13-0046) ay pinatawan si Tallado ng isang (1) taon suspension noong October 27, 2015 ng Ombudsman, kaagad namang umapela sa Court of Appeals si Tallado, kung saan noong Mayo, 12, 2016 ang Court of Appeals ay nagpalabas ng Order na ginawang anim (6) na buwan na lamang ang ipinapataw na suspension kay Gob. Tallado sa halip na isang (1) taon.

Bunga nito ay  kaagad na bumalik sa posisyon bilang Gobernador si Tallado noong May 16, 2016, sa kabila ng wala  pang inilalabas na Execution Order ang Court of Appeals at wala pang finality ang nasabing Order, nagpalabas din ng Cease and Desist Order laban kay Tallado ang DILG bunga ng kanyang wala sa panahon na pagbalik sa pwesto bilang Gobernador ng Camarines Norte.

Ang illegal na pagbalik ni Gob. Tallado sa posisyon bilang Gobernador ang siyang nagpahamak sa kanya, sapagkat noong December 1, 2016 ay inilabas ng Court of Appeals (CA) ang final order nito na ibinabalik sa isang (1) taon ang ipinapataw na suspension kay Gobernador Tallado sa paniniwalang taglay ng Ombudsman ang Disciplinary Authority na nagpapataw ng parusa sa mga nagmamalabis na opisyal ng gobyerno.

Kaugnay nito, ay muling naghain ng reklamo sa Ombudsman si Dr. Edgardo Gonzales laban kay Gob. Edgardo Tallado ng kasong criminal na paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o kasong Usurpation of Authority and Official Functions (OMB-L-C-16-0321) at kasong administratibo Grave Abuse of Authority and Grave Misconduct (OMB-L-A-16-0630).

Karugtong nito, dahil sa mga nakitang pagmamatigas ni Gob. Tallado sa kanyang walang basehan na pag-upo bilang Gobernador ng Camarines Norte at ang wala sa panahong pagbalik nito sa pwesto na nasa loob pa ng panahon na siya ay suspendido ay dito na pinatawan ng penalidad na pagkakatanggal sa  pwesto si Gobernador Tallado ng Ombudsman noong Enero 10, 2018.

Basahin ang nakalakip na Dispositive Portion ng Dismissal Order:

OMB New Dismissal Order TAE 6

Kasunod naman ng January 10, 2018 Ombudsman Dismissal Order ay ang Indorsement Letter na may petsa January 22, 2018 ni Assistant Ombudsman Edna E. Dińo para kay OIC DILG Secretary Eduardo M. Ańo upang ipatupad ang Dismissal Order ng Ombudsman.

Basahin ang naka attach na kopya ng Indorsement Letter:

DILG Secretary - Ombudsman Endosement

Kasunod ng Indorsement Letter ng Ombudsman para sa DILG, noong lunes ika-12 ng Marso 2018 ay nagpalabas ng Memorandum si OIC DILG Secretary Eduardo M. Ańo para kay Bicol DILG Regional Director Elouisa T. Pastor para ipatupad ang nasabing Dismissal Order ng Ombudsman kay Gobernador Tallado. Inatasan din ng Kalihim si RD Pastor na magsumite ng Compliance Report sa tanggapan ng Ombudsman matapos ipatupad ang pagsibak kay Tallado. The FENIX Files

Basahin ang naka attach na Memorandum ng OIC DILG Secretary para sa DILG Regional Director:

DILG Transmittal to RD Pastor

DILG Transmittal to RD Pastor 2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s