ZERO BUDGET: Sabotahe sa Sangguniang Panlalawigan ng CamNorte, plano ng mga kaalyado ng pinatatalsik na Gobernador

Zero Budget featured image

Camarines Norte (March 13, 2018) – Nalantad ang planong pag-sabotahe sa operasyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarrines Norte sa pamamagitan ng isang sulat na nilagdaan ng siyam (9) na kaalyadong Board Members ng dismissed na Gobernador.

Ang planong sabotahe ay nakatakdang isagawa sa oras na ipatupad na ng DILG ang Dismissal Order ng Ombudsman kay Gobernador Edgardo Tallado. Ang sabotaheng nakatakdang isakatuparan ay sa pamamagitan ng pag-tanggal sa kabuuang budget o pundo para sa operasyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa kopya ng sulat na kinalap ng The Fenix Files  na may petsa March 9, 2018 ay hinihiling ng siyam (9) na Board Members sa tanggapan ni Bise Gobernador Jonah Pimentel na ilipat ang nakalaang pundo para sa operasyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte sa tanggapan ng Gobernador.

Partikular na binanggit sa liham ang paglipat sa Maintenanance and Other Operation Expenses (MOOE) ng Sangguniang Panlalawigan patungo sa tanggapan ng Gobernador. Nakapaloob sa MOOE na planong ilipat sa opisina ng Gobernador ang Travelling Expenses na nagkakahalagang P1,231,204.00; Fuel, Oil and Lubricants Expenses P789,408.51; at Other Professional Services na umaabot sa halagang P4,160,970.00.

Batay sa source ng The  Fenix Files, ang motibo sa planong Zero Budget o Sabotahe ay upang maparalisa ang operasyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng bagong mamumuno sa Sangguniang Panlalawigan na mula sa myembro ng Opposition, sakaling tuluyan ng pababain ng DILG sa kanyang upuan si Gobernador Tallado, na ayon sa report ay nakatakdang ipatupad  ang tuluyang pagpapatalsik kay Tallado sa pwesto ngayong linggo.

Sakaling ituloy ng mga Administration Board Members ang nasabing pagsabotahe ay maaari umanong patong-patong na kaso ang kaharapin ng mga  ito dahil sa lalabagin ng naturang hakbang ang mga probisyon na itinatadhana ng Local Government Code, partikuular sa usapin ng disbursement ng pundo na nakalaan para sa operasyon ng Sangguniang Panlalawigan ay hindi maaaring saklawin ng Opisina ng Gobernador alinsunod sa Sections 466 at 468 ng RA 7160 na nagsasaad ng separation of powers sa pagitan ng Executive at Legislative Department ng Local Government Units.

Maging ang hahaliling Gobernador sa papaalis na si Gobernador Tallado ay maaari din umanong kaharapin ang kasong Encroachment o Usurpation of Vice Governor’s functions alinsunod sa Sections 39 at 344 ng Local Government Code, na nagsasaad ng mga sumusunod: The Vice-Governor, as the presiding officer of the Sangguniang Panlalawigan, has administrative control of the funds of the said body. Accordingly, it is the Vice-Governor who has the authority to approve disbursement vouchers for expenditures appropriated for the operation of the Sangguniang Panlalawigan.

Malinaw din umano na walang sinasabi sa power at functions ng Gobernador ang saklawin ang operasyon ng Sangguniang Panlalawigan particular kung ang isyu ay ang pundo na sadyang nakalaan sa operasyon ng Sangguniang Panlalawigan, ang functions ng Gobernador ay ipinapaliwanag sa Section 465. The Chief Executive: Powers, Duties, Functions and Compensation ng Local Government Code: Thus, while the Governor has the authority to appoint officials and employees whose salaries are paid out of the provincial funds, this does not extend to the officials and employees of the Sangguniang Panlalawigan because such authority is lodged with the Vice-Governor. In the same manner, the authority to appoint casual and job order employees of the Sangguniang Panlalawigan belongs to the Vice-Governor.

Samantala, ang siyam (9) na mga Board Members ng Camarines Norte na nasa likod ng planong SABOTAHE O ZERO BUDGET at lumagda sa sulat na humihiling na ilipat ang pundo ng Sangguniang Panlalawigan patungo sa tanggapan ng Gobernador ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  1. GERARDO G. QUIŃONES
  2. ERWIN L. LAUSIN
  3. JOSEPH STANLEY G. ALEGRE
  4. REYNOIR V. QUIBRAL
  5. ARTEMIO B SERDON JR.
  6. RENEE F. HERRERA
  7. MURIEL M. PANDI
  8. RODOLFO V. GACHE
  9. RAMON E. BANING

Basahin ang naka-attach na kopya ng nasabing sulat:

SP request for transfer of appropriation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s