NPA confirmed the ambush in CamNorte Police as an initial response to the CPP Overthrown Call for PDU30 | The Fenix Files

Armando Catapia Command confirmed ambush

Camarines Norte, Bicol, PH (December 3, 2017) – Carlito Cada the Armando Catapia Command (New People’s Army – Camarines Norte) Spokesperson, has confirmed by sending a Press Statement to The Fenix Files around 8PM tonight, that their group has launched an ambush yesterday, December 2, in Sitio Binuang, Barangay Daguit, Labo, Camarines Norte, which resulted in the fatality of one police officer and injured seven others.

Accordingly, the said ambush is in response to the call of the Communist Party of the Philippines (CPP) for the NPA to intensify tactical offensives as part of overthrowing the fascist regime of Rodrigo Duterte. The ambush also serves according to Cada, as a punitive action for military abuses and extrajudicial killings perpetrated by the government forces in Camarines Norte,

Here are the complete Press Statement of Carlito Cada, Spokesperson of Armando Catapia Command – New People’s Army – Camarines Norte (Read in Filipino language):

Matagumpay na Ambus, Panimulang Tugon ng NPA-Camarines Norte sa Panawagang Pagpapabagsak sa Rehimeng US-Duterte

ARMANDO CATAPIA COMMAND | SUNDAY, DECEMBER 3, 2017

Bilang tugon sa panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na paigtingin ang mga taktikal na opensiba bilang bahagi ng pagpapabagsak sa pasistang rehimen ni Rodrigo Duterte, at pagsingil sa mahabang listahan ng abusong militar at ekstrahudisyal na pamamaslang sa Camarines Norte, nagsagawa ang Armado Catapia Command (New People’s Army-Camarines Norte) ng ambus kahapon, Disyembre 2, sa Sityo Binuang, Bgy. Daguit, Labo, Camarines Norte.

Pasado ala-una ng umaga, Disyembre 2, tinambangan ng isang yunit ng Armando Catapia Commad (ACC) ang dalawang police mobile ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Camarines Norte Provincial Office (CNPPO). Sa tulong ng masa, masusing napag-aralan ng ACC ang galaw ng yunit ng pulis at inabangan ang pagdaan nito sa kahabaan ng Maharlika Highway. Gamit ang command-detonated explosive (CDX) bilang pagsunod sa Geneva Conventions, pinasabugan ng yunit ng ACC ang 2 police mobile. Pagkatapos ng 15-minutong putukan, napatay si PO2 Richard M. Abad, habang sugatan ang walo (8) niyang kasamahan na sina PO2 Ronald Gutierrez, PO2 Ericson De Vera, PO1 Jeffrey Tarrobago, PO1 Pedro Valero, PO1 Romar Umandap, PO1 Johnson España, PO1 Mark Anthony Aguilar at PO2 Rommel Orante. Nasamsam din ang apat (4) na M16, isang 9mm at mga bala mula sa kapulisan. Walang kaswalti sa hanay ng ACC.

Sa pagtalima sa absolutong pamumuno ng PKP, kaisa ang ACC sa pagkundena sa arbitraryong pagpapatigil ni Duterte sa usapang pangkapayapaan, sa kabila ng mga paghahapag ng mga rebolusyonaryong pwersa, sa pamamagitan ng National Democratic Front (NDF), ng detalyadong programa para sa repormang sosyo-ekonomiko upang wakasan ang kahirapan at kawalan ng katarungang panlipunan, na siyang ugat ng armadong paglaban. Patunay ito na wala talagang interes si Duterte sa tunay na kapayapaan, kundi nais lamang niyang patahimikin ang mga kritiko at pumoprotesta sa kanyang kainutilang solusyunan ang kahirapan ng mamamayan, at sa kanyang todong gera laban sa mamamayan – ang kanyang palpak na gera laban sa droga, ang pinalalang sitwasyon sa Marawi, ang pag-atake sa mga aktibista, at ang todong gera sa kanayunan. Dagdag pa dito ang pagbansag ni Duterte sa mga rebolusyonaryong pwersa ng PKP, NPA at NDF bilang mga terorista, alinsunsod sa doktrinang kontre-insurhensya ng US, upang supilin ang pinakamalaki at pinakamalakas na pwersang lumalaban sa kanya.

Nais magpasalamat ng ACC sa malawak na suportang ibinibigay ng mga taga-Camarines Norte upang makamit ang mga tagumpay ng digmang bayan. Makakaasa ang mamamayan na patuloy na isusulong at palalakasin ng ACC ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka at patuloy na bibigwasan ang pasistang makinarya ni Duterte. Hindi matitinag ng todong gerang sinusuportahan ng US at ng mga panawagang pagpapasurender ang paninindigan ng mga Pulang mandirigma na patuloy na ipagtanggol ang masa laban sa tunay na terorista – ang US, AFP, si Duterte at ang mga susunod sa kanyang pasistang yapak pagkatapos siyang pabagsakin ng mamamayan – at itayo ang Demokratikong Gobyernong Bayan, ang tunay na rebolusyonaryong gobyerno ng mamamayang Pilipino.

Carlito Cada

Tagapagsalita Armando Catapia Command
Bagong Hukbong Bayan – Camarines Norte
Read the Initial report of the ambush: 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s