SPECIAL REPORT: Reklamo sa planong pagmimina sa mapanlinlang na “Malaguit River Desilting Project”, Malacañang at DENR umaksyon | The FENIX File

Malaguit River Desilting Project

The FENIX Files – Special Report (November 14, 2017) – Umaksyon ang Office of the President sa pamamagitan ng Presidential Complaint Center sa pormal na reklamong  ipinadala ng The FENIX Files noong July 31, 2017.

Bago isinumite sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reklamo ay isinagawa ng The FENIX Files ang investigative research upang likumin ang lahat ng mga ebidensyang dokumento katulad ng pictures, videos, letters, resolutions, agreements, registrations at mga naaangkop na mga panuntunan at batas ng pagmimina, kapangyarihan ng lokal na pamahalaan, kalagayan ng ilog Malaguit at iba pang mga dokumento ng imbistigasyon ng ilang ahensya ng gobyerno hinggil sa mga dati ng records ng katiwalian ng ilang sangkot na opisyal ng pamahalaan.

Matapos ang investigative legworking ay kaagad na binalangkas ng The FENIX Files ang nilalaman ng reklamo, kung saan ito ay tumutukoy sa kahilingan na imbestigahan, pigilan at sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Camarines Norte at iba pang nakipagsabwatang indibidwal at pribadong korporasyon sangkot sa pag-apruba ng mapanlinlang na “Malaguit River Desilting Project”, na ginamit na kasangkapan upang itago ang tunay na intensyon na minahin ang gold reserves ng dalawampu’t dalawa (22) kilometrong kahabaan ng Malaguit River, mula sa creek ng Sitio Igang, Barangay Bato-Balani na bumabagtas patungong Barangay Dagang, Tawig, Talusan, Pinagbirayan Malake, Calaburnay, Mancasay, Labnig, Tugos at Brgy. Malaguit.

ronaldo vargas paracale-gold-

Si Ronaldo Vargas illegal mining bagman bit-bit ang plastic bag na may larawan ni Gob. Edgardo Tallado habang nangongolekta ng sample na “gold ores” mula sa mga small scale miners sa kahabaan ng Malaguit River.

 

Magugunita na noong June 5, 2017, si Governor Tallado ay humingi ng authority sa Sangguniang Panlalawigan of Camarines Norte sa pamamagitan ni Vice Governor Jonah G. Pimentel, na siya ay makalagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng KSA Quarrying and Aggregates Supply Co. Inc para sa desilting project o pagpapalalim umano ng Malaguit River.

READ (Letter of Gov. Tallado):

Letter of Tallado to SP 001:

Noong June 14, 2017, bilang tugon ang Sanggunian Panlalawigan ng Camarines Norte sa kanilang 43rd Regular Session ay agad na nag-apruba ng isang resolusyon na nagbibigay ng kapangyarihan kay Gobernador Edgardo Tallado na lumagda at pumasok sa isang kasunduan tungkol sa mapanlinlang na proyektong pagpapalalim diumano sa Malaguit river.

 “Resolution No. 247-2017 – “A resolution authorizing the Hon. Gov. Edgardo A. Tallado, for and behalf of the Provincial Government of Camarines Norte, to sign and enter into a Memorandum of Agreement with the KSA Quarrying and Aggregates Supply Co. Inc. represented by its President and Chief Executive Officer, Mr. Alex V. Aco in connection with the Desilting Project at Malaguit River, Paracale, Camarines Norte.”

READ: Malaguit River: Next target for illegal mining in the guise of “Desilting Project”

Kaugnay ng reklamong isinumite sa tanggapan ni Pangulong Duterte, noong August 15, 2017, ang Office of the President, Presidential Complaint Center sa pamamagitan ni Director Jaime Llaguno Mabilin ay nagpalabas ng isang transmittal letter para kay Secretary Roy A. Cimatu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang tugunan ang tinanggap nitong formal complaint.

READ (Presidential Complaint Center transmittal letter):

PCC - Malaguit 001

Kasunod nito, noong September 4, 2017, isang memorandum naman para sa Regional Director ng Environmental Mangement Bureau (EMB) at Mines and Geosiences Bureau (MGB) ng DENR Bicol ang ipinalabas ni Atty.  Norlito A. Eneran ang OIC Director ng DENR Legal Service upang isagawa ang agarang aksyon hinggil sa reklamo laban sa mapanlinlang na planong pagmimina sa Malaguit River.

READ (DENR Legal Service Memorandum to MGB and EMD Region V):

DENR MEMO - Malaguit 001

USURPATION OF DENR, PRA AND DPWH’s FUNCTIONS IS A CORRUPT PRACTICES ACT:

Noong September 22, 2017, bilang pagtalima ng MGB Bicol Regional Office sa kautusan mula sa tanggapan ng Pangulo at DENR Central office ay nagpadala ng sulat si OIC Regional Director Guillermo A. Molina, Jr. IV sa complainant at binigyang linaw nito ang mga kaukulang batas at regulasyon tungkol sa mga kinakailangang permits sa pagpasok sa trading at processing ng mineral products, river dredging projects at desilting projects.

Sa naging paliwanag ni OIC-RD Molina, sinabi nito na bagamat ang Local Chief Executive ay may kapangyarihan na pumasok sa isang kontrata ayon sa itinatadhana ng Section 22, Corporate Power ng Local Government Code of 1991, tulad ng pagpasok ni Gob. Tallado sa isang Memorandum Of Agreement ay hindi umano ito nangangahulugan na hindi na dadaan sa pagkuha ng mga kaukulang permiso sa tanggapan ng DENR-MGB ang operator na katransaksyon ng Kapitolyo ng Camarines Norte.

Binigyang detalye pa ni Molina ang mga proseso katulad ng pagkuha ng Mineral Processing Permit sa kanilang tanggapan kung sakaling magsasagawa ng mineral processing ng mga excavated minerals ang operator, samantalang kailangan din anya na kumuha ng Certificate of Accreditation mula sa DENR-MGB para magkaroon ng authority ang operator kung ito ay papasok sa pangangalakal ng mineral products.

Sinabi pa ni Molina na ang Dredging Project katulad ng Malaguit River Desilting Project na plano ng grupo ni Gobernador Tallado ay saklaw ito ng DPWH alinsunod sa Department Order 139, Series of 2014, na nagsasaad ng “Guidelines on River Dredging Operations for Flood Control”.

Binigyang kategorya ni Molina ang Malaguit River Desilting Project bilang isang “Environmentally Critical Project”, at ito ayon kay Molina ay saklaw ng Philippine Environmental Impact Statement System (PEISS) na ipinapatupad ng Environmental Management Bureau (EMB), kung saan ito ay nangangailangan ng Environmental Compliance Certificate (ECC).

Bukod pa sa mga nabanggit na pununtunan ay binigyan diin pa ng nasabing opisyal, na ang Dredging Project ay nakapaloob sa “land reclamation” kung saan ito ay nangangailangan ng naaangkop na “Reclamation Permit” mula sa tanggapang nakakasakop dito, ito ay ang Philippine Reclamation Authority (PRA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

READ (Letter of OIC-RD Guillermo A. Molina, Jr IV):


DENR MGB Letter - Malaguit 001

Kaugnay ng mga ipinaliwanag na panuntunan, ay maaaring maharap sa samut-saring kaso ang mga opisyal ng Camarines Norte at sangkot na pribadong korporasyon, sakaling lantarang balewalain ng mga ito ang mga batas at regulasyon kaugnay ng pagsusulong ng mapanlinlang na Malaguit River Desilting Project ng mga namumuno sa kapitolyo ng Camarines Norte.

Sa huli ay nangangahulugan ito na  hindi maaaring gumawa muli ng mga pagmamalabis na aksyon si Gobernador Tallado at mga kapanalig nito, mga hakbang na lalagpas sa hangganan ng kanilang kapangyarihan alinsunod sa Local Government Code na inaprubahan ng Kongreso ng Pilipinas para sa mga namumunong lokal ng ehekutibo sa isang lokal na pamahalaan.

Kung saan ang mga abusong hakbang at labas sa kapangyarihan ng isang namumunong opisyal ng lokal na pamahalaan, kahalintulad ng mga nauna nang ginawa ni Gob. Tallado na pag-abuso sa kapangyarihan ng pangunahan nito ang ilegal na pagmina sa Barangay Napaod at Benit, Labo, Camarines Norte, Barangay Nakalaya at Larap, Jose Panganiban at Pulang Daga, Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte  ay nagdulot na ito ng ibayong pinsala sa kalikasan ng lalawigan at naghatid ng kalamidad sa ekonomiya ng Camarines Norte dahil sa pagkawala ng bilyong pisong halaga ng mga likas na yamang mineral gamit na kasangkapan ang hiram na kapangyarihan mula sa taumbayan. The FENIX Files/rif

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s