TFF Special Report: PAGPAPATUPAD NG MGA “PAMANA PROJECTS” SA CAMARINES NORTE TINANGGAL SA KAPITOLYO DAHIL SA MGA ANOMALYA

Anomalya sa Pamana

Camarines Norte (October 7, 2017) | Tuluyan ng tinanggal sa Kapitolyo ng Camarines Norte at inililipat na sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang pagpapatupad ng mga PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan) projects sa probinsya dahil sa mga natuklasang anomalya sa mga nakaraang implementasyon nito.

Ang pagkakatanggal ng implementasyon ng PAMANA project sa kapitolyo ng Camarines Norte at paglilipat nito sa DPWH Camarines Norte ay nakumpirma mula sa nakaraang pagpupulong na dinaluhan nina Secretary Jesus Dureza at Under Secretray Diosita Andot ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), Camarines Norte 1st District Representative Renato J. Unico, Jr., at District Engineer Ricardo R. Gutierrez ng DPWH Camarines Norte Engineering District.

Sec dureza - Cong Unico - Pamana

Nauna dito ay itinanggi ni Gobernador Edgardo Tallado, nitong nakatalikod na mga buwan na walang umano siyang nakikitang anomalya sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan partikular na ang mga nasa ilalim ng PAMANA Project na una nang pina-imbistigahan noon ng Sangguniang Panlalawigan. Sinabi pa nito na ginawa lamang umano ang mga isyu ng anomalya sa proyektong Pamana ng kanyang mga kalaban sa Pulitika.

Subalit ang mga naging alibi, sa mga pahayag ni Tallado ay pinawalang-saysay sa naging desisyon ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) nang tanggalin nito sa kapitolyo ng Camarines Norte ang implementasyon ng mga proyektong PAMANA dahil sa umano’y “MARKADO NG ANOMALYA”, ayon sa mga katagang binitiwan ng Kalihim ng OPAPP, sa mga ipinatupad na proyekto sa probinsya ng Camarines Norte sa ilalim ng  Payapa at Masaganang Pamayanan Program.

Sa kasalukuyan ay patuloy na isinasagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission on Audit (COA) ang technical investigation sa mga proyektong ng PAMANA sa probinsya ng Camarines Norte.

Inaasahan na panibagong mga kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang kakaharapin ng mga opisyal na sangkot sa nabanggit na mga anomalya. The FENIX Files 

2 thoughts on “TFF Special Report: PAGPAPATUPAD NG MGA “PAMANA PROJECTS” SA CAMARINES NORTE TINANGGAL SA KAPITOLYO DAHIL SA MGA ANOMALYA

  1. Magka-alaman na!!! Ang imbestigasyon ng DILG at COA ang magsasabi kung gaano kalawak ang korapsyon sa mga proyekto ng Pamana sa lalawigan.

    Like

  2. Pingback: More adverse findings found by COA to the financial transactions of Cam Norte Prov’l Gov’t | The Fenix Files | The FENIX FILES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s