House Bill No. 640 “Establishing the Camarines Norte First District Engineering Office” inaprubahan na | The FENIX Files

DPWH Cam Norte Engr'ng District Office 2

Camarines Norte, October 2, 2017 | Inaprubahan na ng House committee on public works and highways na pinamumunuan ni Rep. Celso L. Lobregat (1st District, Zamboanga City) at ng Senate committee on public works and highways na pinamumunuan ni Senador Manny Paquiao ang House Bill No. 640 panukala na may titulong “Establishing the Camarines Norte First District Engineering Office”.

Cong Unico at Senate defended HB - 640

Ang panukala ay isunulong ni Congressman Renato J. Unico, Jr. (1st District, Camarines Norte) sa House of Representatives dahil sa umanoy limitasyon sa serbisyo ng kasalukuyang “lone engineering district office” ng Camarines Norte kumpara sa lawak ng responsibilidad nito sa buong probinsya.

Unico HOR

Rep. Renato J. Unico Jr. – Representative 1st District of Camarines Norte

Inihayag ni Unico na ang Camarines Norte ay bahagi ng Region 5 o Bicol Region, na malimit dalawin ng mga bagyo, kung saan ang Camarines Norte ay nakakaranas ng matinding epekto ng mga kalamidad, baha, pag-guho ng lupa na nagreresulta ng mga pangangailangan sa improvement ng mga infrastructure projects mula sa national government.

Ang hiwalay na “engineering district office” ayon kay Unico, para sa first district ng Camarines Norte ay magdudulot ng mas focused at mas maigting na pagpapatupad ng mga programang kailangan sa public infrastructures at engineering projects, na maaari umanong maghatid ng makabuluhang socio-economic, cultural at political development para sa mamamayan ng unang distrito ng Camarines Norte.

Sa panayam ng The FENIX Files kay Cong. Jojo Unico sinabi nito na ang itatayong “Camarines Norte first district engineering office” sa bayan ng Labo, Camarines Norte ay mas malawak at malaki sa kasalukuyang opisina ng DPWH sa Camarines Norte at ito ay mangangailangan ng mula sa animnapu (60) hanggang walumpung (80) empleyado para sa bubuksang DPWH 1st Engineering District Office. The FENIX Files

Source: http://congress.gov.ph/press/details.php?pressid=9903

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s