Permit Holder ng Japanese Treasures sa Kapitolyo ng Camarines Norte binasag ang katahimikan dahil sa pangambang hukayin ng iba?

Treasure sa kapitolyo

The FENIX Files Special Report (September 17, 2017) | Mahigit isang taon nanahimik, ngayon ay lumabas na sa publiko ang Permit Holder ng umanoy toneladang Japanese treasures na matatagpuan sa isang bahagi sa loob ng compound ng kapitolyo ng Camarines Norte.

Ang permit holder ay nagpakilala sa pangalang Bernardine Rafael L. Cabrera Jr. Lumantad sa publiko si Cabrera sa pamamagitan ng isang sulat na ipinadala sa Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte noong ika 6 ng Setyembre 2017.

Ang sulat ni Cabrera ay naka address kay Gob. Edgardo A. Tallado, Vice Governor Jonah G. Pimentel at sa mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte, nilalaman ng sulat nito ang kahilingan na makadalo sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan noong Setyembre 13, 2017 araw ng Myerkules, upang talakayin ang detalye hinggil sa pagpapatupad ng exploration activity na nakapaloob sa kanyang permit: “National Museum Permit No. CPD-THP-2016-41” at sa DENR Certification No. CNC-RO5-1503-008.

PANGAMBANG HUKAYIN NG IBA?

Sinimulan ng The FENIX Files ang pagsaliksik kamakailan (Huling linggo ng Agosto) kaugnay sa sinasabing Yamashita treasures na matatagpuan sa loob ng compound ng Kapitolyo ng Camarines Norte matapos dumulog sa TFF ang isang nangagambang impormante upang ibigay ang ilang detalye hinggil sa pangambang mawalan o agawin ng iba ang kanilang pinaghirapan.

Ayon sa source, nakipag-usap ang permit holder noong nakaraang taon sa Gobernador sa layuning simulan ang exploration activity hinggil sa kanyang hawak na treasure hunting permit subalit negatibong kasagutan ang umano ay tinanggap mula sa Gobernador. Ang mga sumusunod na salita ang umano’y sinabi ng opisyal sa permit holder: “Bakit kung ayaw ko may magagawa kayo?”

Kaugnay nito, binanggit ng source na nagkaroon ng pag-asa ang permittee matapos na ipatupad ng DILG noong nakaraang taon ang suspension at dismissal order ng Ombudsman laban sa Gobernador. Kung saan naghanap ito ng maaaring makatulong upang makausap ang Acting Governor hanggang sa magkaroon na ng pagkakasundo sa salita ang magkabilang panig.

Subalit sa kasamaang palad ay muling nakabalik sa kapitolyo ang sinuspending opisyal. Kung saan umabot na ng halos isang taon hanggang sa kasalukuyan ang pagkakabinbin ng “exploration at recovery activity ng sinasabing aabot sa 18 toneladang (18,000 kilos) Japanese treasures na matatagpuan sa loob ng Provincial Capitol compound ng Camarines Norte. Tinatayang aabot sa P18 Bilyong piso ang halaga ng nasabing Japanese treasure.

Nakatakda na rin umanong mawalan ng bisa ang Treasure Hunting permit ni Bernard Cabrera sa susunod na buwan ng Oktubre 2017.

PAGLALANTAD SA PUBLIKO

September 6, 2017 ng ipadala ni Bernardine Rafael L. Cabrera Jr., ang kanyang sulat na naka-address sa Gobernador, Bise Gobernador at Sangguniang Panlalawigan tungkol sa kanyang hangarin na hukayin ang nasabing nakabaon na kayamanan. Dito na nahayag sa publiko ang halos isang taon nang nakatagong impormasyon sa mamamayan ng Camarines Norte na tanging ilang opisyal lang ng probinsya ang nakakaalam sa mga sekretong transaksyon tungkol sa bilyong pisong halaga ng Japanese Treasure na matatagpuan sa kapitolyo ng Camarines Norte.

Read copy of Mr. Bernardine Rafael L. Cabrera Jr’s letter:

21733400_1704016072965586_2040450572_n

PAGBABANTAY NG MAMAMAYAN

Mapagbantay na mamamayan ang kailangan ngayon sa oras na simulan ng permit holder at mga opisyal ng Camarines Norte ang proseso ng exploration, recovery at disposition ng “JAPANESE TREASURES na matatagpuan sa kapitolyo ng Camarines Norte sa oras na simulan ito. TFF

Treasure Hunting laws researched:

  • PRESIDENTIAL DECREE NO. 1726-A – October 1, 1980 – “PROVIDING GUIDELINES ON TREASURE HUNTING”
  • EXECUTIVE ORDER NO. 416 – JULY 31, 1990 – “TRANSFERRING THE FUNCTION OF ISSUING LICENSES OR PERMITS FOR TREASURE HUNTING FROM THE DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES TO THE OFFICE OF THE PRESIDENT”
  • REPUBLIC ACT NO. 8492 – “NATIONAL MUSEUM ACT OF 1998”
  • EXECUTIVE ORDER NO. 35 – September 17, 2001 – “TRANSFERRING THE FUNCTION OF ISSUING LICENSES OR PERMITS FOR TREASURE HUNTING AND SHIPWRECK RECOVERY PERMITS FROM THE OFFICE OF THE PRESIDENT TO THE DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES”
  • DENR ADMINISTRATIVE ORDER NO. 2002-04 – January 22, 2002 – “RULES AND REGULATION GOVERNING THE ISSUANCE OF PERMITS FOR TREASURE
    HUNTING, SHIPWRECK/ SUNKEN VESSEL RECOVERY AND DISPOSITON OF RECOVERED TREASURES/ VALUABLE CARGOES, INCLUDING HOARDED HIDDEN TREASURES”

Watch out for the next report:

  • Japanese Treasures nakabaon sa pagitan ng 2 b…… ng kapitolyo ng Camarines Norte

Yamashita Treasures related news:

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s