SAGIP-BAYAN,INC: Kahina-hinalang proseso sa iginawad na Titulo ng Lupa kay Gob. Tallado, pinaiimbistigahan at ipinakakansela sa DENR

CAMARINES NORTE, Bicol, PH, October 26, 2016 | The FENIX Files – Isang kahilingan para sa agarang imbestigasyon sa kaduda-dudang proseso at pagpapakansela sa iginawad na titulo ng lupa kay Gob. Edgardo Tallado na umaabot sa sukat na “isa at kalahating ektarya” (15,556 square meters), mula sa programang “DENR Handog Titulo Program Para Sa Mamamayan”. Ang kahilingan ay pormal nang idinulog noong Ika-19 ng Oktubre 2016, sa tanggapan ni DENR Secretary Gina Lopez ng Samahang Gagabay Sa Inaasam Na Pagbabago Ng Bayan (SAGIP-BAYAN) Inc.

Hiniling din kaalinsabay nito ang pagsakatuparan ng isang public inquiry hinggil sa proseso o transakyon ng pagkakaloob ng titulo ng lupa kay Gob. Tallado, ito ay upang maiwasan umano ang mga pagdududa ng mamamayan, sa mga programa ng gobyerno na kadalasan anya ay ang mga opisyal pa ng pamahalaan ang pangunahing nakikinabang.

denr-handog-titulo-program-3

Sinabi ng Broadkaster na si Romelito Fenix, Chairperson ng Sagip-Bayan, Inc., sa ipinadala nitong request for investigation and cancellation sa DENR, na ang Lupa umano ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao at ito ang pundasyon ng panlipunang seguridad ng mamamayan.

At dahil sa kakulangan ng tunay na access sa lupa ng mamamayan ay itinuturing na isa ito sa mga pangunahing ugat ng kahirapan sa kanayunan man o sa kalunsuran. Kahirapan, na nagluluwal umano ng ibat-ibang anyo ng krimen at paghihimagsik mula sa mga apektadong sektor. Dahil dito, upang tugunan ang suliranin ayon sa Sagip-Bayan, Inc, ay nagpatibay ang pamahalaan ng mga programa para sa malawakang pamamahagi ng mga titulo ng lupa upang labanan ang kahirapan at pasiglahin ang pag-unlad ng batayang sektor.

Bilang bahagi umano ng programa ng pamahalaan tungkol sa kawalan ng lupa at para makapagbigay ito ng lupa sa mga walang lupa ay ginawang tugon dito ang “Handog Titulo Program Para sa Mamamayan”, kung saan ito ay  inilunsad bilang bahagi ng pagsisikap ng National Government sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa mga pampublikong mga lupain (Public Land), Department of Agrarian Reform (DAR) para sa mga pribadong mga lupain (Private Land na mahigit sa 5 ektarya), Land Registration Authority (LRA) – Registry of Deeds (ROD) para sa pagpapalabas ng mga titulo (Land Titles), at ng mga Local Government Units (LGU’s) para sa pag-identified ng mga magsasakang maaaring benepisyaryo (Farmer Beneficiaries) na pagkakalooban ng mga titulo ng lupa para sa mga landless farmers.

Subalit, taliwas umano sa nasabing programa ang naganap sa probinsya ng Camarines Norte, kung saan, bilang namumuno sa LGU Camarines Norte si Gobernador Tallado ay kanyang kinilala ang kanyang sarili bilang beneficiary sa lupang dapat ipamahagi sa mga walang lupa na magsasaka ng lalawigan, na  pinagkaitan ng karapatan na maging benepisyaryo ng “DENR Handog Titulo Program Para sa Mamamayan”.

Ang mga dokumento umano na kinalap ng Sagip-Bayan, Inc., ang makapag-papatunay na si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado ay ang siyang pangunahing nakinabang sa nasabing programa ng Pamahalaan, na naglalayon supurtahan ang kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan ng Camarines Norte.

Kung kaya’t ayon sa SAGIP-BAYAN, Inc., ay kanilang agaran na hinihiling ang paglunsad ng imbestigasyon, hinggil sa kaduda-dudang proseso ng pag-kaka-apruba sa Application for Free Patent Title na isinumite ni Gobernador Tallado sa tanggapan ng DENR-CENRO sa Daet, Camarines Norte, na ayon sa kanila ay makikita ang mga pagsisinungaling ng aplikanteng si Gob. Tallado sa mga datos na inilagay nito sa kanyang application for Land Title.

request-for-investigation-and-cancellation-of-denr-title

request-for-investigation-and-cancellation-of-denr-title-2

request-for-investigation-and-cancellation-of-denr-title-3

request-for-investigation-and-cancellation-of-denr-title-4

CONFLICT OF INTEREST

Naniniwala umano ang Sagip-Bayan, Inc., na mali ang ginawa ng DENR na pagkaloob ng pampublikong lupain sa Gobernador ng Camarines Norte, na sa kasalukuyan ay patuloy na nagpapasasa sa kayamanan at marangyang pamumuhay sa ilalim ng kwestyunableng pinanggagalingan ng mga kaduda-dudang labis na kayamanan nito, na taliwas naman umano mula sa patuloy na pagkakabaon sa kahirapan ng kanyang mamamayan na dapat pinaglilingkuran.

Hindi rin umano naniniwala ang Sagip-Bayan, Inc.,  na nagkaroon ng masusi at angkop na pamamaraan ang mga ahensya ng pamahalaan upang alamin kung makatotohanan ang mga impormasyon na inilagay ni Gob. Tallado sa kanyang pag-aplay para titulo ng lupa. Kasunod nito ang kahilingan na isagawa ang isang pampublikong pagdinig sa bagay na ito, upang maging malinaw umano sa mamamayan ng Camarines Norte at mawala ang pag-aalinlangan ng mga ito sa mga programa ng pamahalaan tungkol sa pamamahagi ng lupa.

MGA BASEHAN NG REKLAMO

Nagsinungaling umano ayon sa Sagip-Bayan, Inc., sa pamamagitan ng mga hindi totoong impormasyon ang aplikante na si Governor Edgardo Tallado sa kanyang sinumpaang “Application for Free Patent Title No. 051,611-303”, na kanyang isinumite noong Nobyembre 30, 2010 sa opisina ng DENR-CENRO, Daet, Camarines Norte na inaprubahan noong Pebrero 26, 2013.

1. Ang aplikanteng si Edgardo Tallado ay nagsinungaling umano sa kanyang inilagay na impormasyon sa paragraph number (3) ng kanyang sinumpaang “Application for Free Patent Title”, na siya ay walang pag-aaring lupa na umaabot sa (12) ektarya. Kaugnay nito ay hiniling ng Sagip-Bayan, Inc., sa lahat ng mga concerned government agencies na isailalim si Tallado sa Life Style Check upang siyasatin ang ilang parsela ng lupa na nakarehistro sa pangalan ng isang Edgardo A. Tallado, mga listahan ng lupain na hindi umano kasama sa isinumiteng SALN mula 2010 hanggang 2015 ni Gob. Edgardo Tallado sa Ombudsman, na ayon sa Sagip-Bayan, Inc., ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod na talaan ng mga ari-arian:

  1. TCT – 219979, located at City of Manila
  2. TCT – 1941, located at Marikina
  3. TCT – 7636-R, located at San Juan, Metro Manila
  4. TCT – 951538, located at Province of Cavite
  5. TCT – 613421, located at Province of Rizal
  6. TCT – T-40742, located at Tagaytay City
  7. TCT – T-48551, located at Province of Camarines Norte
  8. TCT – R-20995, located at Antipolo City, Rizal
  9. TCT – 218933, located at Lingayen, Pangasinan

2. Ang aplikanteng si Gob. Edgardo Tallado ay nagsinungaling din sa kanyang sinumpaang “Application for Free Patent Title”, partikular sa talata bilang lima (5) na nagsasaad na ang kanyang Ama (Father) ay si Mr. Angel Pabico, na siyang totoong naka posisyon sa public land na kanyang inaplayan ng Titulo at si Angel Pabico umano ayon kay Tallado ay kanyang ninuno.

3. Sinabi pa ng Sagip-Bayan, Inc., na ang programang “Handog Titulo Program Para Sa Mamamayan” ay inilaan ng pamahalaan para sa benepisyo ng mga magsasakang walang lupa sa bansa. Kung saan ito umano ay bahagi ng public land na ipinamamahagi ng DENR para sa sinumang kwalipikadong mamamayang Pilipino, na aktwal na nakatira sa isang pampubliko at agrikultural na lupa, na hindi bababa sa sampung (10) taon na namamalagi o naka posisyon sa lupang ipapamahagi, sa ilalim ng bagong Residential Free Patent Act (RFPA), subalit ang mga probisyon umano ng batas na ito ay nilabag, dahil si  Governor Edgardo A. Tallado ay hindi maituturing na  isang aktwal na okupante ng nasabing public land na iginawad sa kanya ng DENR. Hindi rin anya isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga naghihirap na mga magsasaka ng Camarines Norte batay sa inihayag ng sagip-Bayan, Inc.

COPY OF DENR ORDER OF APPROVAL FOR TALLADO’S LAND TITLE:

denr-order-of-approval-of-tallados-land-title

COPY OF TALLADO’S SPURIOUS SWORN APPLICATION FOR FREE PATENT TITLE: 

tallados-sworn-application-for-denr-title

tallados-sworn-application-for-denr-title-2

4. Nakakuha din umano ang Sagip-Bayan, Inc., ng kopya ng titulo ng lupa na ipinagkaloob ng DENR kay Gob. Tallado, na naglalaman ng kabuuang sukat na 1.5 hectares (15,556 square meters), ang location nito ay matatagpuan sa San Jose Beach seksyon sa bayan ng Talisay, Camarines Norte; makikita umano ito malapit sa nagpapatuloy na “construction”, ng P450 Million DPWH-DOT Convergence Program o ang PRESIDENT CORY AQUINO BOULEVARD, na isang pasilidad pang turismong proyekto nang nakatalikod na adiministrasyon.

land-title-tallado-san-jose-page-1

land-title-tallado-san-jose-page-2

5. Sa kasamaang palad, ayon sa Sagip-Bayan, Inc., ang proyektong boulevard na ito na ipinangalan sa dating Pangulong Cory Aquino, ay pinondohan hindi para sa benepisyo ng Pamahalaan at hindi para sa kapakanan ng mga mamamayan, kundi para sa pribadong mga benepisyo at interes ni Gobernador Tallado, na tinatamasa ng Gobernador sa pamamagitan ng ipinagkaloob sa kanyang 1.5 ektaryang lupaing pampubliko ng DENR.

gubernatorial-plunder-page-1a

Mapapatunayan ito, ayon sa Sagip-Bayan, Inc., sa pamamagitan ng itinayo ni Gob. Tallado na  marangyang “Tallado – San Jose Beach House Mansion” na tinatayang umaabot sa halagang Php500 million pesos. Resulta umano ito ng iginawad na pampublikong lupa sa gobernador ng tanggapan ng DENR, at ng multi-million tourism project ng national government, na ayon sa Sagip-Bayan, Inc., ay si Gob. Tallado din ang kontratista ng nasabing proyekto sa pamamagitan ng kanyang dalawang front contractors na EUS at B2K construction.

Sa huli, ay pinasalamatan ng Samahang Gagabay Sa Inaasam Na Pagbabago Ng Bayan (SAGIP-BAYAN), INC., ang Office of the President at ang DENR Secretary, sa ginawang pagtugon umano ng nasabing mga tanggapan sa kanilang naunang kahilingan upang imbistigahan ang mga kinasasangkutan na katiwalian ni Camarines Norte Governor Edgardo A. Tallado at ng mga kasabwat nito, partikular sa mga naganap na iligal na pagmimina at pandarambong sa likas na yaman ng Camarines Norte. (The FENIX Files)

One thought on “SAGIP-BAYAN,INC: Kahina-hinalang proseso sa iginawad na Titulo ng Lupa kay Gob. Tallado, pinaiimbistigahan at ipinakakansela sa DENR

  1. Pingback: SAGIP-BAYAN,INC: Kahina-hinalang proseso sa ipinagkaloob na Titulo ng Lupa kay Gob. Tallado, pinaiimbistigahan at ipinakakansela sa DENR | Sagip-Bayan Journal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s