DILG: 6 months suspension for “Disgraceful and Immoral Conduct”, laban kay Gob. Tallado ipinatupad na, Dismissal order kasunod na | The FENIX Files

CAMARINES NORTE, Bicol, PH| October 18, 2016 – Ipinatupad na ng DILG kahapon 17 Oktubre 2016 ang anim (6) na buwan at (1) araw na suspensyon na ipinataw ng Ombudsman laban kay Gobernador Edgardo Tallado sa kasong “Disgraceful and Immoral Conduct”.

LEADERS MUST LEAD BY EXAMPLE!

And must be a role model, because there is someone out there looking up to the LEADERS… Our CHILDREN…

children as imitator - the fenix files.jpg

dilg-implemented-suspinsion-order

Ang 6 months and 1 day na suspension without pay ay iginawad ng Ombudsman bunsod ng kasong Administratibo na isinampa ng isang Jonel R. Banal (OMB-L-A-15-0101/entitled “JONEL R. BANAL VS. EDGARDO A. TALLADO) laban kay Gob. Tallado, sanhi ng nag-viral online na malaswang larawan ng Gobernador kasama ang umanoy mistriss nito, na buong  tapang na pinatotohanan ng kanyang asawang si Josefina Tallado sa pamamagitan ng mga pahayag nito sa ibat-ibang himpilan ng telebisyon at pahayagan katulad ng ABS-CBN, GMA, Philippine Daily Inquirer, atbp.

“Ang ganitong mga extra-marital affair ay isang pag-uugali na hindi umaayon sa moralidad. Sapagkat si Gob. Tallado ay ginagampanan  ang pinakamataas na inihalal na posisyon sa probinsya ng Camarines Norte. Samakatuwid si Tallado ay inaasahan na gampanan ang mataas na pamantayang moral sa kaniyang pag-ganap sa obligasyon bilang opisyal o kung hindi man, ay maging isang halimbawa ng matuwid na pamamahala. Subalit siya ay nabigong  sumunod sa  pamantayang ito.”

Samantala, nakasaad sa Order na ipinatupad kahapon mula sa tanggapan ni DILG-Bicol Regional Director Elouisa Pastor na si Gob. Edgardo Tallado ay inaatasan at agarang tumigil na sa pagganap ng duties at function bilang Gobernador ng Camarines Norte sa loob ng anim (6) na buwan at isang (1) araw simula 17 October 2016. Sinabi pa sa Order na hindi makatatatanggap ng sweldo, benipisyo at iba pa mula sa opisina ng Gobernador.

Tunghayan ang kopya ng Order na kinalap ng The FENIX Files mula sa tanggapan ni DILG Regional Director Elouisa Pastor:

IMG_0002.jpg

Kasunod ng Cease and Desist Order ng DILG kay  suspended Gob.Tallado ay agad din na ipinatupad ng DILG ang Succession Order para sa tanggapan ng Governor at Vice Governor, kung saan batay umano sa pagtalima sa mga probisyon ng Local Government Code sanhi ng suspension kay Gob. Tallado ay inaatasan si Vice Gov. Pedro Jonah Pimentel bilang Acting Governor. (Basahin ang kopya ng DILG Succession Order para sa tanggapan ng Acting Governor)

IMG_0003.jpg

Kasunod ng Succession Order para sa tanggapan ng Gobernador ay ipinatupad na rin ang Succession Order para sa opisina ng Vice-Governor, kung saan inaatasan ayon sa order si Senior Board Member Arthur  Michael G. Canlas, na gampanan ang pagiging Acting Vice-Governor ng probinsya ng Camarines Norte. (Basahin ang kopya ng DILG Succession Order para sa tanggapan ng Acting Vice-Governor)

img_0004

Sa kabilang dako ay inaasahan na rin ang pagpapatupad ng Dismissal Order ng Ombudsman laban kay suspended Governor Edgardo Tallado dahil sa pagiging RECIDIVIST nito at umanoy mga “Sutil” (Obstinate) na hakbang ng Gobernador upang sagkaan at balewalain ang mga makatarungang kaatasan o Order ng Civil Service Commission mula sa mga kasong isinampa (Grave Misconduct and Oppression/Abuse of Authority) ng mga kawani ng Provincial Government ng Camarines Norte, na kinabibilangan nina Dr. Edgardo Gonzales, Milline Marie B. Dela Cruz, Mark Anthony J. Mago, Maria Joanabelle L. Crisostomo at Shanta V. Baraquiel.

Magugunita na pinatawan si Tallado ng (1) taon suspensyon bilang parusa sa kasong isinampa ni Dr. Edgardo Gonzales, subalit paulit-ulit na gumawa ng legal na hakbang si Tallado upang pigilan ang implementasyon at makailang ulit din nitong sinuway ang Ombudsman suspension order hanggang sa humantong sa muling pagpapatupad ng DILG sa suspensyon kay Gob. Tallado noong September 21, 2016, subalit dahil sa pagnanais ni Tallado na mapigil muli ang isang (1) taon suspensyon ay nakakuha ito ng dalawang (2) magkasunod na kwestyonableng TRO mula sa Regional Trial Court ng Daet, Camarines Norte.

Sa kasalukuyan ay nahaharap sa mga reklamong paglabag sa New Code of Judicial Conduct of 2004, na may penalidad na dismissal from the service, ang (2) Huwes na nagpalabas ng kwestyunableng Temporary Restraining Order sa naunang ipinataw na 1 taon suspensyon ng Ombudsman kay suspended Governor Edgardo Tallado.

Komentaryo at Paninindigan ng THE FENIX FILES:

Inaasahan na mararanasan ng suspendidong Gobernador ang mga dagok sa kanyang Political Career na maaaring humantong sa hinaharap mula sa kasalukuyang Suspensyon (Suspension), kasunod ang Pagkakataggal sa Pwesto (Dismissal from the Service) hanggang sa Pagkakakulong (Imprisonment), bunga ng kanyang mga pag-labag sa batas  na dapat siya ang nagpapatupad nito ng naaayon sa mabuting pamamahala.

Matatandaan na noong nakaraang September 28, 2015 ay isinampa na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombudsman ang mga kasong paglabag sa Anti-graft Law, Illegal Mining, Smuggling ng Likas na Yaman at Pagsira sa Kalikasan na maaaring humantong sa mabigat na kasong PLUNDER.

Samantala, sa oras na ipatupad na umano ang Ombudsman Dismissal Order laban kay suspended Governor Edgardo Tallado, ay maaaring ma-convert sa katumbas na halaga ng”Multa o Fine”, ang mga parusang suspensyon na nauna nang ipinataw kay Tallado ng Ombudsman, sa oras na epektibo na ang Dismissal Order o ang pagpapatalsik kay Tallado sa pwesto bilang Gobernador. Kung saan nanga ngahulugan ito na ang papalit kay Tallado bilang Gobernador ay magsisilbi na bilang permanenteng Gobernador ng Camarines Norte at permanenteng Bise Gobernador naman ang hahalili sa pwesto ng elected Vice Governor hanggang sa Eleksyon 2019. (The FENIX Files)

One thought on “DILG: 6 months suspension for “Disgraceful and Immoral Conduct”, laban kay Gob. Tallado ipinatupad na, Dismissal order kasunod na | The FENIX Files

  1. Pingback: DILG: 6 months suspension for “Disgraceful and Immoral Conduct”, laban kay Gob. Tallado ipinatupad na, Dismissal order susunod na | Sagip-Bayan Journal | Sagip-Bayan Journal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s