SPECIAL REPORT: Imbestigasyon sa involvement ni Gob. Edgardo Tallado sa illegal mining activities iniutos ng tanggapan ni Pangulong Duterte sa DENR | The FENIX Files

CAMARINES NORTE, Bicol, PH | October 7, 2016 | The FENIX Files – Sinimulan na ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte at ng tanggapan ni DENR Secretary Gina Lopez ang imbestigasyon upang kumpirmahin ang personal na pagkakasangkot ni Gob. Tallado sa iligal na pagmimina sa probinsya ng Camarines Norte.

acknowledgement-refferal-of-the-office-of-the-president

Dumating kamakalawa dakong alas-8:00 ng umaga, October 5, 2016, ang isang team mula sa DENR-Mines & Geosciences Bureau (MGB) Central Office sa pangunguna nina Engineer Allan E. Talag at Engr. Dominador C. Punongbayan. Ayon sa pahayag nina Talag at Punongbayan sila ay nagtungo sa Camarines Norte upang maisakatuparan ang kautasan mula sa tanggapan ng Pangulo, Kalihim ng DENR at sa Memorandum ni Undersecretary Mario Luis J. Jacinto, Under Secretary for Mining and Director of Mines and Geosciences Bureau (in concurrent capacity).

acknowledgement-denr-chief-of-staff-atty-teh

Sa pagdating ng grupo nina Engr. Talag sa Camarines Norte nakipag-ugnayan ito sa himpilan ng DZAU-1233 sa Binanuan, Talisay, Camarines Norte upang personal na kausapin ang Brodkaster at Tagapangulo ng Samahang Gagabay Sa Inaasam Na Pagbabago Ng Bayan (SAGIP-BAYAN), Inc., sa katauhan ni Romelito “ROMMEL” Fenix, na siyang nagpadala ng sulat at mga ebidensya hinggil sa involvement ni Gob. Tallado  sa iligal na aktibidad ng pagmimina sa probinsya.

Matapos ang isinagawang briefing tungkol sa direksyon ng ocular investigation ay agad na sinimulan ang misyon, ang ocular investigation team ay kinabibilangan ng DENR-MGB Central at Regional Office, VACC Camarines Norte at Sagip-Bayan, Inc., bilang complainant.

Kabilang sa mga impormasyon na kinolekta sa Ocular Investigation ay ang patuloy na illegal mining activities sa Camarines Norte sa kabila ng mga nauna ng Anti-Illegal Mining operations na isinagawa ng NBI noong mga nakaraang taon, kung saan 14 na Chinese Nationals na kasabwat ng gobernador ang nasakote ng pinagsanib na pwersa ng NBI, MGB, Bureau of Immigration, Philippine Navy at Presidential Anti-Organized Crime Task Force.

Unang pinuntahan ang Paracale, Camarines Norte kung saan personal na sumama sa ocular inspection ang punong bayan ng Paracale na si Mayor Lourdes Villamonte Briguerra at Sr/Insp. Manuel Sarmiento Chief of Police ng Paracale Municipal Police Station.

mgb-central-ocular-bulaay

Tatlong lugar sa Paracale ang isinailalim sa ocular investigation, ito ay kinabibilangan ng Sitio Bulaay, Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte na may record na ng maraming namatay na mga minero simula noong 2012 at matagal din naging source ng “Mining Payola” na kinokolektahan ng binuo na “management” na kolektor ng payola para sa “Hari” na nasa kapitolyo. Sa kasalukuyan ay walang operasyon ang Bulaay matapos na ipatupad kamakailan ang pagwasak sa mga mining structure sa lugar sa pamamagitan ng Cease and Desist Order na inilabas ng DENR-MGB.

Humingi naman ng tulong sa DENR-MGB si Mayor Lourdes Villamonte Breguirra para sa madaling proseso ng panukalang Minahang Bayan sa Paracale na matatagpuan sa Brgy. Casalugan upang magkaroon ng relocation ang mga nawalan ng hanap-buhay sa pagsasara ng Bulaay.

mgb-central-ocular-bulaay-2

mgb-central-ocular-bulaay-3

Samantalang inabot naman ng gabi ang inspection team sa Brgy. Mampungo, Paracale, Camarines Norte na patuloy na may isinasagawa na iligal na pagmimina ng White Clay, ayon sa MGB ay walang kaukulang Mining Permit mula sa kanilang tanggapan ang minahan. Magugunita na sa Camarines Norte ay tanging MGB lamang ang siyang tanging maka pagpapalabas ng permit dahil sa kawalan ng PMRB o Provincial Mining Regulatory Board na siyang nagsasagawa ng evaluation at recommendation kung nararapat bigyan ng mining permit ang isang aplikante.

mgb-central-ocular-mampungo

Maaalala na ang pag-isyu ng mga walang legal na basihang Temporary Small Scale Mining Permit o TSSMP  ang dahilan ng mga kinakaharap na kaso ni Gob. Tallado, ito ay matapos ang kanyang walang patumanggang paggawad ng mga Temporary Small Scale Mining Permits sa mga “fake mining operators”, “ore transport permits” at “export permits” sa mga fake exporter’s katulad ni Nonie Besa, Ruel Ponayo, Wilfredo Deleon, Bohai Top at iba pang front operators at exporter’s gamit ang mga “fabricated sales invoice” bilang requirement sa bawat export shipment na nag resulta sa ‘mineral plunder” ng umaabot sa 324,000 metriko tonelada ng likas na yaman ng Camarines Norte, na may katumbas na halagang umabot sa “Php 1.7 Bilyong piso” ayon sa NBI, at ang naging resulta ng malawakang anomalya na ito ay ang “pagkasira ng kalikasan”, “pagkawala ng hanap-buhay ng mga magsasaka” at “sakuna sa ekonomiya ng probinsya”.

tallados-man-made-lake

Sa ikalawang araw ng imbestigasyon ay binalikan ang lugar ng Brgy. Napaod at Brgy. Benit sa Labo, Camarines Norte upang isagawa ang pag-dokumento sa kasalukuyang kalagayan ng mga lugar na iniwan ng iligal na pagmimina na ayon sa demanda ng NBI na isinampa laban kay Gob. Tallado at sampung (10) iba pa na kasabwat nito, ay si tallado mismo ang nasa likod ng mga iligal na aktibidad ng pagmimina sa probinsya, kabilang ang mga kasabwat nito ang mga dayuhang Intsik. At ang resulta nito ay ang masa saksihan na lawak ng nasirang kalikasan sa Barangay Napaod at Barangay Benit sa bayan ng Labo, Pulang Daga, Bagumbayan sa Paracale at Nakalaya at Larap sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Nag positibo naman ang impormasyon na tinanggap ng Investigating Team tungkol sa presensya ng mga Chinese Nationals sa lugar ng “Liaoning Fenghua”, sa Pulang Daga, Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte, ang lugar na dati ng nahulihan ng 11 Chinese nationals sa isinagawang dismantling at anti-illegal mining operation noong nakaraang taon. Subalit ng puntahan ng inspection team ang lugar kamakalawa, October 6, 2016 ay inabutan doon ang ilang mga dayuhang Chinese na ayon sa caretaker ng lugar ay pawang mga turistang intsik lamang daw ang mga ito.

Sa kabilang dako, sa isyu naman ng “Corruption” na kinasasangkutan pa rin ni Gobernador Tallado ay pinag endorso ni Assistant Secretary Isabelita Moncano-Somozo ng Presidential Action Center, Office of the President, sa tanggapan ng Ombudsman ang laman ng sulat at mga ebidensya na ipinadala ng Tagapangulo ng Sagip-Bayan, Inc., tungkol sa mga kinasasangkutan na katiwalian ng gobernador. (The FENIX Files)

ombudsman-1st-indorsement

Watch, more actions from the following link:

https://www.facebook.com/fenixfiles/videos (The FENIX Files)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s