We describe EJK’s As Aves De Rapeña (Mandaragit) | The Fenix Files

 

AVES DE RAPIŃA
(Mandaragit-PDS)

“Mene, Mene, Tekel, Upharsin”
(Biblical words from the book of Daniel)

Isina-sa-larawan ng The Fenix Files ang malawakang Extra-Judicial Killings (EJK) na nagaganap ngayon sa Aves De Rapina o Ibon na Mandaragit, Mandarambong o Magnanakaw na pawang ang mga bini-biktima ay ang maliliit, ayon sa The Fenix Files ito ay hango sa isang awitin ng grupong ASIN.

Isang awitin na naka-ka-tawag pansin. Ang “Aves de Rapiña” ay Napakaganda ng bagsak, ng melody at ng lyrics.

Nasa kalawakan ang mga Aves de Rapiña (Mandaragit), nasa lupa ang mga Halimaw, nasa tubig ang mga Buwaya.

Isang katotohanan na napakasakit tanggapin.

Ang mga mahihina ay nasa mga sulok, nakasiksik, nagtatago, takot lumantad. Pinagsasaluhan ang kung anong nakatabi. Pinagkakasya na lang na ang mga katawan ay magkakadikit sa maliit na espasyo upang init ay kanilang madama.

Nagtitiis na lang sa pasilip silip. Hindi magawang sumugod na kadalasan, mistulang isang pagpapatiwakal kung isusulong ang paglaban.

Isusubo na lang, aagawin pa ng mga Aves de Rapiña.

Kabuhayan ninakaw ng mga buwaya. Tuwang tuwa sa dinadambong nila. “Ang akin ay akin, ang kanya ay akin at ang iyo ay akin pa rin.”

Tama bang ang karamihan ay walang magawa, kundi ang maki-tawa na may halong pagbabalatkayo? Ang daming hunyango. Di na maintindihan kung sino ang sino at kung ano ang ano.

Subalit sa kabila nito ay nanalig pa rin tayo na may mga mandirigma na mag-ta-tanggol sa mga mahihina at maliliit na ma-ngu-nguna upang mag-buklod-buklod ang mga maya, ang mga pipit, at ang mga maliliit…

Upang sa pagkakaisa ay iluwal ang mga mandirigmang magiting na pupuksa sa mga halimaw, buwaya at Aves de Rapiña.

aves-de-rapina

Mga mandarambong na itinuturing. Ang katulad nila ay babagsak din…

Ayon sa awitin ng ASIN ang mga Aves de Rapiña ay…

I
NAGTATAGO, NAG-AABANG
MAHINA’T MALIIT ANG DINADAGIT
NG MGA AVES DE RAPIŃA, AVES DE RAPIŃA,
NG MGA AVES DE RAPIŃA, AVES DE RAPIŃA

II
MABIBILIS, MABABANGIS
WALANG PATAWAD AT MALULUPIT
ANG MGA AVES DE RAPIŃA, AVES DE RAPIŃA,
ANG MGA AVES DE RAPIŃA, AVES DE RAPIŃA

III
“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN”
ANG KATULAD MO’Y BABAGSAK RIN,
“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN”
ANG KATULAD MO’Y BABAGSAK RIN,

IV
MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!
HARI NG SAKIM AT MANLULUPIG,
ANG MGA AVES DE RAPIŃA, AVES DE RAPIŃA,
ANG MGA AVES DE RAPIŃA, AVES DE RAPIŃA,

CHORUS
“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN”
ANG KATULAD MO AY BABAGSAK RIN,
“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN”
ANG KATULAD MO AY BABAGSAK RIN,
“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN”
ANG KATULAD MO AY BABAGSAK RIN,
“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN”
ANG KATULAD MO AY BABAGSAK RIN,
“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN”
ANG KATULAD MO AY BABAGSAK RIN…

**********

Watch the music video of Aves de Rapiña courtesy of YouTube from this link: https://www.youtube.com/watch?v=Jvq-O-CQ-S4

ANG PHILIPPINES DEATH SQUAD (PDS)

AY BABAGSAK RIN…

“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN” – Biblical words, from the book of Daniel, which means – “your days are numbered, you have been weighed and found wanting. your kingdom will be ruined.”

Pagpupugay sa grupong ASIN, who originally released Aves de Rapiña (Birds of Prey)

THE FENIX FILES

One thought on “We describe EJK’s As Aves De Rapeña (Mandaragit) | The Fenix Files

  1. Pingback: The Fenix Files | Sagip-Bayan Journal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s