NBI sinimulan ang imbistigasyon sa pagkawala ng nakalalasong kemikal na naging sanhi ng pagkaka ospital ng 58 estudyante | The Fenix Files

Nasaan na ang nakalasong kemikal 9 INSIDE POST

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-imbestiga sa nawawalang 37 drums ng nakalalasong kemikal (Toxic Chemicals) na naglahong parang bula matapos na ito ay nasabat sa Jose Panganiban, Camarines Norte noong Disyembre 6, 2014.

DECEMBER 6, 2014 – ANG PAGKAKA SAKOTE

Nasaan na ang nakalasong kemikal 5

Larawan ng truck  na nasakote na may dala ng nakalalasong kemikal na pinakawalan din sa Jose Panganiban, Camarines Norte

Maaalala na noong masabat ito sa nasabing bayan ay naging viral sa social media ang pagkaka-sakote dito dahil sa mga defensive na naki-sawsaw sa usapin na matagal ng talamak sa Camarines Norte ang masaganang supply ng iligal na droga sapagkat matagal ng ini-uulat na may Laboratoryo ng Shabu sa probinsya.

Nasaan na ang nakalasong kemikal

Larawan ng nakumpiskang baril mula sa driver ng truck na may dala ng nakalalasong kemikal sa Jose Panganiban, Camarines Norte. inaalam pa ng The Fenix Files kung kasama din sa pinakawalan ang tatlong nakasakay sa truck at dalawang tao na lulan ng back-up vehicle na isang pick-up na sasakyan.

Naging masalimuot na usapin ang isyu ng papasok na truck at papalabas na truck mula sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte dahil sa nangyari, sapagkat may mga pwersa na taga depensa upang patunayan na walang laboratoryo at hindi talamak ang droga sa nasabing munisipalidad.

Nasaan na ang nakalasong kemikal 7

Larawan ng mga nakasakay sa pick-up vehicle habang iniimbistigahan ng pulis

Subalit, kung nakaligtas man ang reported na laboratory dahil maging ang NBI ay napag-la langan din ng mga nag mamani pulang pwersa, ay hindi rin nakaligtas ang isang Untouchable Drug Lord sa Jose Panganiban, Camarines Norte matapos na ito ay patawan ng parusang kamatayan ng Armando Catapia Command ang pam probinsyang pamunuan ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Norte. (E-click ang link na ito para buong detalye: http://npacn.blogspot.com/2015/05/untouchable-sa-bayan-ng-jose-panganiban.html).

DECEMBER 13, 2014 – ANG PAGKUHA NG SAMPLE NG NBI

Nasaan na ang nakalasong kemikal 4

MARSO 19, 2015 – ANG PAGKAWALA NG TRUCK NA NAGLALAMAN NG 37 DRUMS NG NAKALALASONG KEMIKAL:

Ayon sa report na tinanggap ng The Fenix Files mula sa mga concerned citizen ng Barangay Nakalaya, Jose Panganiban, Camarines Norte, dakong ika-7 hanggang ika-8 ng gabi noong Marso 19, 2015 ng sapilitang kunin ang truck na naglalaman ng 37 drums ng nakalalasong kemikal.

Ito ay sa kabila ng pakikipaglaban ng mga taga Barangay Nakalaya na huwag dalhin ang truck hanggat walang malinaw na koordinasyon sa mga kinauukulan,maliban pa sa kwestyunable na pagkuha ng mga responsable dahil ayon sa mga tumawag na taga-Barangay Nakalaya, Jose Panganiban sa author ng TFF ay bakit gabi kukunin ang truck na naglalaman ng mga nakalalasong kemikal?

Subalit sa kabila ng pagtutol ng mga residente ay wala rin silang nagawa at nagtagumpay ang mga responsableng indibidwal sa sapilitang pag-tangay sa nasabing truck na puno ng toxic chemicals.

Batay sa ulat ay kasama ng mga kalalakihan na nagpa kilalang mula sa kompanyang Investwell ang isang nagngangalang RYAN RYAN na sa mga pakikipag argumento nito sa author ng TFF ay nagpakilala ito na nagmamalasakit na kawani ng Pamahalaang Bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte at miyembro ng isang radio communications group sa nasabing munisipalidad; isang may apelyidong INDIONELA na nagpa kilalang kawani ng DENR-EMB, ang umano’y kasama sa mga kumuha ng truck noong Marso 19, 2015 dakong ika-7 ng gabi.

Dahil dito matagumpay na nakuha mula sa lugar ang mga ebidensya na lulan ng truck na nasabat noong December 6, 2014 na naglalaman ng mga HAZARDOUS CHEMICAL WASTE.

JUNE 18, 2015 – MASAMANG EPEKTO NG SABWATAN AT KAPABAYAAN

Biglang bumulaga na lamang ang balita tungkol sa pagkaka ospital ng 58 mag-aaral ng San Felipe Elementary School sa bayan ng Basud, Camarines Norte. (Tunghayan ang balita mula sa 24 Oras ng GMA Network.

24Oras: 58 estudyante at guro sa Basud Elementary School, Camarines Norte, na-ospital

Matapos maganap ang nasabing perwisyo sa bayan at kabataan na estudyante ng nabanggit na paaralan, ay muli na namang naganap ang pagkawala ng 37 drums ng nakalalasong kemikal na nakaimbak sa isang pribadong lote sa Barangay San Felipe, Basud, Camarines Norte.

Ito ay batay sa naging pahayag ni Punong Barangay Domingo Carranza ng San Felipe, Basud, Camarines Norte, ayon sa kanya nakaabot sa kanilang kaalaman dakong gabi ng muli itong isakay sa isang truck paalis sa kanilang lugar ito ay matapos na maraming mga residente kabilang na ang Simbahang Katoliko ng San Felipe ang nagreklamo dahil sa hazardous na amoy mula sa pinag-imbakan nitong pribadong lote na may distansya na humigit kumulang sa 500 metro mula sa San Felipe Elementary School.

Sa ngayon ay hindi na malaman ng mga kinauukulan kung saan tinangay ang mga toxic waste na nasakote sa Jose Panganiban, Camarines Norte, matapos na ito ay paal-pasan sa nasabing bayan.

Nangangamba naman ang National Bureau of Investigation (NBI) na maraming maaaring mapi-pin-salang buhay, kalusugan, ari-arian at kabuhayan ng mamamayan kung ta tagas sa mga ilog, dagat o kabundukan, ang nasabing 37 drums ng nakalalasong kemikal.

JUNE 7, 2016 – SIMULA NG PAGSISIYASAT NG NBI SA NAWAWALANG ISANG TRUCK NG NAKALALASONG KEMIKAL

IMG_20160607_162910


Kuhang larawan ng “The Fenix Files”, kasama ang NBI at si Punong Barangay Domingo carranza ng San Felipe, Basud, Camarines Norte, noong  June 7, 2016 sa lugar na pinag-imbakan ng 37 drums ng hazardous toxic waste na ini-ulat na pag-aari ng Bohai Top International Mining Corporation at Investwell Mineral Development Corporation, na pinakawalan sa Jose Panganiban, Camarines Norte, matapos na mahuli noong december 6, 2014. Ang nabanggit na 2 kompanya ang siyang responsable sa pagkasira ng kalikasan at nag-pa-sasa sa Likas na Yaman ng Camarines Norte sa pangunguna at pakikipag sabwatan ng isang mataas na opisyal at ng abogado nito na ngayon ay suspendido at sinampahan na ng kaso ng DOJ-NBI Special investigation Team “SCULPTED PEPPER”, kabilang ang sampu (10) pang mga kasabwat sa tanggapan ng ombudsman.

Patuloy pa rin sa kasalukuyan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahanap kung saan dinala ng mga tauhan ng Chinese, Abogado, Suspendidong Opisyal at ilan pang kasabwat ang mapaminsalang “toxic chemicals” na pinakawalan mula sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

DOKUMENTARYO NG DEKALIBRE CENTER FOR INVESTIGATIVE JOURNALISM NETWORK (DCIJN), SA INI-ULAT NA PAGLILINIS NG MGA BAKAS NG ILIGAL NA AKTIBIDAD SA JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE, BAGO PA DUMATING ANG NAKATAKDANG OPERASYON NG NBI, NA NAANTALA DAHIL SA SAMA NG PANAHON NOONG DECEMBER 10, 2014, ( The DCIJN started the documentations on December 3, 2014, and it was in response from the information came from another group of Chinese Nationals that did not involve in the said Illegal Activities ).

DCIJN JPANG DOC[00_00_43][20160611-093302-2]

Kuhang larawan ng DCIJN Team sa pag-ha-hakot mula sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

vlcsnap-2015-01-06-09h59m34s79

Kuhang larawan ng DCIJN team sa pag-hahakot ng mga truck mula sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

vlcsnap-2015-01-06-09h59m04s26

Plate Number ng truck na kabilang sa mga naghahakot mula sa Jose Panganiban, Camarines Norte

vlcsnap-2015-01-06-09h58m49s142

Plate Number ng Truck na naghahakot mula sa Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte.

ANG DOCUMENTATION VIDEO NG DCIJN SA GINAWANG CLEANSING PROCESS SA ILEGAL NA AKTIBIDAD SA JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE.

Ang Investigative Documentations na ito ay sadyang hindi inilabas ng author ng The Fenix Files noong bago dumating ang halalan 2016 dahil sa mga pwersa na sadyang pumipigil sa author nito, at upang hindi na rin ito magamit pa bilang isyung pampulitika sa mga pulitikong sumira sa pagkatao ng author noong Disyembre 6, 2014.

Subalit noon pa man ay nabanggit na ng author ng TFF na ang Dokumentaryo na ito ay ebidensya ng katotohanan na hindi kayang itago sa mahabang panahon ng mga opisyal ng pamahalaan na hindi karapat-dapat humawak ng kapangyarihan, kahit pa ang mga ito ay nagpapanggap na naglilingkod sa bayan.

Two thousand years ago, Jesus commented on the current government officials of his day by saying, “The Kings of the Gentiles lord it over them; and those who exercise authority over them call themselves benefactors” (Lk. 22:25). In other words, government leaders in his day used their positions of power to abuse, oppress and take advantage of those under their control. Publicly, they are portraying themselves as they who blessed and benefited their people, but in reality they were selfish and corrupt.

Abangan ang susunod na update ng DOKUMENTARYONG may pamagat na NASAAN NA ANG MAPAMINSALANG ISANG TRUCK NG NAKALALASONG KEMIKAL?

Bago pansamantalang tiklupin ng The Fenix Files ang paglalahad ng dokumentaryo ay nararapat lamang na magkaroon ng tumpak na kasagutan at buong detalye, ang mga sumusunod na KATANUNGAN NG BAYAN:

  1. Sinampahan ba ng kaso ng PNP at mga opisyal sa Jose Panganiban, Camarines Norte at DENR-EMB  ang mga responsable sa iligal na pag transport ng nakalalasong kemikal na hinuli sa kanilang lugar?
  2. Sinampahan ba ng kaso ang driver na nahulihan ng baril?
  3. Sinampahan ba ng kaso ang mga nakasakay sa back-up vehicle na isang Hunter Vehicle at may Plate Number VFP-786?
  4. Nasaan na ang kasama sa back-up vehicle na isang Chinese National na tinatawag sa pangalang Sam?

Ilan lamang ito sa aabangan sa susunod na update mula sa TFF, kung kayo ay may nais ibahagi sa dokumentaryong ito ay wag mag atubili na iparating sa author ang inyong panig sa pamamagitan ng opisyal na contact form ng ng TFF na makikita sa ibaba ng blog na ito.

Nagpapasalamat ang The Fenix Files sa 24 Oras ng GMA Network , YouTube, Facebook, DCIJN at iba pang bahagi ng dokumentaryo.

The Fenix Files

 

One thought on “NBI sinimulan ang imbistigasyon sa pagkawala ng nakalalasong kemikal na naging sanhi ng pagkaka ospital ng 58 estudyante | The Fenix Files

  1. Pingback: The Fenix Files | Sagip-Bayan Journal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s